Kabanata 25

3.7K 100 1
                                    

Kabanata 25

"'Langya! Ba't sabi mo wala kang lovelife?" Nandidilat na saad ni Nadine na nagpatawa sa kanya. "Eh, anong tawag mo sa balita mo ngayon? Bakit ikakasal ka na? Ang bilis naman!"

Ngumiti s'ya sa kaibigan at pabirong hinimas pa ang screen ng kanyang laptop kung saan sila nag-uusap. "Sorry na, Din. Grabe ka naman makareact. Ang bilis din kasi ng nga pangyayari."

Sinimulan n'yang ikwento sa kaibigan ang lahat ng nangyari sa kanila ni Seb. Napapangiti pa nga s'ya dahil sa magkahalong kaligayahan at kilig sa tuwing inaalala ang kanilang mga pinagdaanan at pinagsamahan ni Seb lalo na ang nangyari noong unang beses na magtagpo ang kanyang mga landas.

"Grabe, ganito pala 'yung nararamdaman ng isang tao kapag inlove s'ya, 'no? Para talaga akong nakalutang sa alapaap, Din. Ang saya ng feeling!" Kinikilig na kwento n'ya pa sa kaibigan.

Nakita n'ya ang pagnguso nito at ang pag-irap. "Thank you for being insensitive, ah. Alam mo namang may problema kami ni Jace pero iniinggit mo pa ko. Malaman ko lang talaga kung sino 'yang Cassiopeia'ng yan, sasabunutan ko s'ya." Nangagalaiting sabi pa nito.

Umiling-iling pa s'ya at dinuro ito. "'Wag na 'wag mo 'yang gagawin, Din. 'Wag mong ibaba ang sarili mo para kay Jace. Kung totoong mahal ka n'ya, magiging honest s'ya sa'yo at ikaw naman, dapat hintayin mo paliwanag n'ya."

Tumango-tango ito kahit kita n'ya ang pagtutol na bumalatay sa mukha nito. Naiintindihan naman n'yang hindi madali ang pinagdadaanan nito ngunit dapat din nitong kontrolin ang sarili lalo na't may pagkawarfreak pa naman si Nadine.

Maya-maya pa ay nagpaalam na sa kanya ang kaibigan. Abot-langit ang kanyang ngiti ng mahiga s'ya sa kanyang kama. Walang pagsidlan ang kasiyahang kanyang natatamasa ng mga sandaling iyon.

Naikwento na rin n'ya kay Indira ang mga pangyayari at kagaya ni Nadine, medyo nagtampo din ito dahil wala naman s'yang naikwento sa mga ito na tungkol sa kanila ni Seb. Ang akala lang kasi ng mga ito ay kaibigan n'ya lang ang binata.

Hindi na rin kasi n'ya nagawa pang ikwento sa mga ito ang nararamdaman n'ya para sa binata dahil may kinakaharap ding problema si Nadine sa relasyon nito kay Jace at ayaw naman n'yang dagdagan pa ang iisipin ni Indira lalo na't buntis ito. Baka magalit sa kanila si Janus dahil na-s-stress ang pinakamamahal nitong asawa.

Nang sumunod na araw ay ganadong-ganado s'yang nag-ayos. Pupunta kasi sila ni Seb sa isang botique para makapagsukat na rin ng kanyang traje de boda at ang susuotin nitong suit.

Nang makababa s'ya at agad s'yang dumeretso sa kusina at naabutan n'ya ang kanyang mga magulang na nag-aagahan.

"Good morning!" Masiglang bati n'ya sa mga ito at ginawaran ang bawat isa ng halik sa pisngi.

Magiliw na nginitian s'ya ng kanyang ina at binati rin s'ya. Ganun din ang ginawa ng kanyang ama.

Habang kumukuha ng makakain sa hapag ay ibinaba ng kanyang ama ang hawak nitong dyaryo at hinubad ang suot nitong eyeglasses.

"How's the preparation, anak?"

Hiniwa n'ya muna ang hotdog bago bumaling sa kanyang ama. "It's fine, Dad. Magaling ang organizer na kinuha ni Seb and I'm glad na hindi n'ya kinokontra ang mga gusto naming mangyari para sa kasal."

Tumango-tango ang kanyang ama. Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa.

"I wish you're Kuya can make it..." Nahihimigan n'ya ang lungkot at pag-aasam sa boses nito.

She squeezed her Mom's hand and smiled. "Ma, Kuya will be home soon. Magtiwala lang tayo sa kanya, okay? Hindi s'ya gagawa ng kahit anong ikakapahamak n'ya." She tried to sound hopeful kahit na ang totoo ay nangangamba rin s'ya sa kung ano na ang nangyayari sa kapatid n'ya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nito kino-contact. They tried calling his frienda ngunit ang mga ito ay wala ring alam. Hindi din alam ng mga ito kung sino ang mga kasama ng Kuya n'yang magmountain climbing. Hindi n'ya akalaing magiging interesado pala ito sa bagay na iyon gayong hindi naman ito mahilig sa adventure.

Maya-maya pa ay nagpaalam na s'ya sa kanyang mga magulang. Hihintayin n'ya si Seb sa labas ng kanilang bahay.

Excited s'yang makita ang binata. Namiss n'ya kasi ito. Hindi sila nagkita kahapon dahil may inaasikaso ito tungkol sa negosyo nito. Tinawagan naman s'ya nito pero hindi pa rin iyon sapat. Mas gusto n'yang nakikita at nakakasama si Seb.

She sounds so clingy at wala s'yang pakialam doon. Mas gusto nga ni Seb ang pagiging clingy n'ya dito.

Pang-ilang ulit na n'yang tinawagan si Seb ngunit cannot be reached ito. Nagsimula na s'yang mag-alala. May nangyari bang masama dito?

Bumalik na lamang s'ya sa loob ng bahay at nagpasyang doon na lamang n'ya ito hihintayin.

Nakasalubong n'ya pa ang ina na dala-dala ang isang vase na may lamang preskong mga bulaklak.

"Oh, akala ko ba ay may lakad kayo ni Seb?"

Sumimangot s'ya. "Late na po s'ya and I can't contact him!"

Napangiti ang kanyang ina. "Patience, Katherine. Baka nagkaaberya lang."

Tumango na lamang s'ya at pasalampak na naupo sa sofa. Inihagis n'ya rin ang kanyang bag sa pang-isahang upuan at hinilot-hilot ang sentido.

Gosh, she's being paranoid!

HAWAK-HAWAK n'ya ang isang kopita ng inumin habang tinatanaw ang kabuuan ng kanyang pag-aaring lupain.

Napabuntong hininga s'ya at marahang sinimsim ang nasa loob ng kopita.

Masaya s'ya sa nangyayari sa kanyang buhay nitong mga nakaraang linggo. Masaya s'ya dahil mahal rin s'ya ng babaeng kanyang minamahal ngunit hindu maalis sa kanyang sistema ang pagkabahala.

Natatakot s'ya na baka dumating ang araw na kamuhian s'ya nito. Ayaw n'yang magtago ng kahit na anumang sekreto dito ngunit hindi n'ya kayang ipagtapat ang tunay n'yang pagkatao. Alam n'yang lalayuan s'ya nito.

Masakit iyon kaya naisip n'yang namnamin na muna ang lahat ng sandaling kasama n'ya ito.

Natigil s'ya sa kanyang mga iniisip ng may marinig s'yang marahang pagkatok mula sa pinto ng kanyang opisina.

"Pasok," mahinahong saad n'ya.

Nang bumukas ang pintuan ay iniluwa niyon ang isang matangkad na lalaking may malaking pangangatawan. Moreno ito na may matigas na anyo. Malalalim din kung makatitig ang mga mata nito na ngayon ay nakatuon sa kanya.

Nakatiim bagang ito habang naglalakad patungo sa kanya.

Nang tuluyan itong makalapit ay bahagya itong yumukod sa kanyang harapan. "Master." Pagbibigay-galang nito.

Tinanguan n'ya ito. "Anong balita, Connor?"

Umiling ito. "Sa ilang taon kong paghahanap sa kanya ay wala pa rin akong nahahanap na kahit na anong bakas n'ya, Master. Ipagpaumanhin n'yo po." Bigong saad nito.

Malalarawan din sa mga mata nito ang kalungkutan dahil sa hindi magandang balitang hatid nito sa kanya.

Mapait s'yang ngumiti. "Magpahinga ka na muna sa iyong silid. Alam kong pagod ka sa iyong byahe."

Tumango ito at muling yumukod bago lumabas ng kanyang opisina.

Napapikit s'ya ng mariin. Wala pa ring nakakahanap dito! Kailangan n'yang doblehin ang kanyang mga tauhan upang mahanap ang taong iyon. Ito lang ang magiging susi sa lahat.

Sa ilang taong paglilingkod sa kanya ni Connor ay hindi pa s'ya nito binigo sa kahit na anong iniuutos n'ya kaya marahil ay mailap talaga ang taong iyon dahil walang nauwing impormasyon ang kanyang pinaglakatiwalaang tauhan.

Kailangan ko s'yang mahanap bago pa mahuli ang lahat.

Kailangang-kailangan.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now