Kabanata 18

3.8K 104 4
                                    

Kabanata 18

Pagdating n'ya sa bahay ay dali-dali s'yang umakyat sa kanyang silid.

Narinig n'ya pa ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina ngunit hindi n'ya iyon pinansin. She just want to be alone right now. Hindi n'ya alam kung alin ang mas nakakasakit sa kanya ngayon.

Ang ituring s'yang bestfriend ni Seb o ang pagsigaw at panghihiya nito sa kanya kanina sa kinainan nilang restaurant?

Hindi n'ya alam. Hindi s'ya mapakali. Gulung-gulo na s'ya sa kanyang nararamdaman. She just can't accept the fact that Seb is the only thing that she is thinking right now.

Hindi n'ya rin maiwasang makaramdam ng kirot sa kanyang dibdib ng marinig n'ya ang pagsusumamo nito kanina at ang paghabol nito sa kanya.

Napapikit s'ya ng mariin at itinakip ang nadampot n'yang unan sa kanyang mukha.

She could imagine his face while begging her not to go.

Seb is confusing her...big time and she didn't like it. She didn't like the idea of hurting for Seb because she knows that she cares for him too much. Too much that she must control herself if she don't want to make things more complicated.

She sighed as she lay down on her queen size bed. She don't want to think about what happened earlier but she just can't help it.

Was she wrong for walking out on him? Why did he reacted that way?

She groaned and pulled her hair. She badly needs to rest for now. She wants to forget it right now.

Bahala na bukas. Basta ngayon, ang tanging nais lang n'ya ay ang makapagpahinga ang puso't isipan n'ya.

ISA-ISA na n'yang iniligpit ang mga aklat na kanyang ginamit para sa itinuro n'ya ngayong araw.

Katatapos lang ng kanyang huling klase at makakauwi na s'ya.

"Ma'am, pwede po ba akong magtake ng special quiz?"

Napatigil s'ya sa pagliligpit ng marinig ang mahinhing boses ng isa sa kanyang mga estudyante.

Nag-angat s'ya ng tingin dito. Nakita n'ya ang pagpula ng pisngi nito habang hinihintay ang kanyang sagot.

Mabilis din na nagtataas baba ang dibdib nito na para bang nanghihina. Hula n'ya ay kinakabahan ito.

Nginitian n'ya ito. "Bakit ka absent noong nagquiz ako?" Malumanay na tanong n'ya sa dalagita upang maging komportable ito sa kanya.

Yumuko ito at may inilahad sa kanyang isang papel. Inabot naman n'ya ang nakatuping papel na iyon at binasa ang nasa loob niyon.

"N-Nagkasakit po kasi ako at isinugod sa ospital, Ma'am..." Nahihiyang paliwanag pa nito.

Tumango-tango s'ya habang binabasa ang medical certificate na binigay nito sa kanya at ang kalakip nitong sulat na may tatak na galing sa Office of the Student Affairs.

"Sige, umupo ka muna at kukunin ko lang 'yung answer sheet."

Nakita naman n'ya ang paghinga ng estudyante ng malalim. Napahagod pa ito sa noo nitong may pawis.

Lihim s'yang napangiti. Nakikita n'ya sa batang ito ang kanyang sarili noong nag-aaral pa lamang s'ya.

Ang mahiyain at simpleng si Rhian Katherine Mendoza.

Napabuntong hininga s'ya. She missed her teenage days. Noong nga panahong puro kain at paggala ang iniisip nilang magkakaibigan at quizzes at practical exams lang ang tanging pinoproblema n'ya.

SHE massaged her temple as she was scanning her master list of students. Kailangan pa n'ya kasing imonitor ang attendance ng mga mag-aaral dahil mahalaga iyon para sa kanya.

His Hidden Identity [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora