Kabanata 29

3.5K 93 2
                                    

Kabanata 29

"Ayos ka lang ba?"

Huminga s'ya ng malalim at tinitigan ang ina sa repleksyon n'ya sa salamin.

Maging s'ya ay tinatanong ang sarili kung talaga bang ayos lang s'ya. Nanginginig ang kanyang mga kamay at napakalakas ng pagkabog ng kanyang dibdib.

"Anak, sa una lang 'yan," anito at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat. "'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Dapat masaya ka lang ngayon." Idinikit pa nito ang kanilang mga pisngi at tumingin sa kanilang repleksyon sa salamin.

Napangiti s'ya sa sinabi ng kanyang ina. Tama nga naman ito. Hindi s'ya dapat mabahala. Dapat ay masaya lang s'ya ngayon lalo na at sa mismong araw na ito ang kasal nila ni Seb.

Parang may humaplos sa puso n'ya ng muling sumagi sa kanyang isip ang espesyal na araw ngayon.

Sa wakas, ikakasal na sila ng lalaking mahal n'ya.

Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan ngunit hindi naman n'ya maiwasang makaramdam ng kaba. Magkahalong kaba at pananabik na dahilan upang halos lumabas na sa kanyang katawan ang puso n'ya sa sobrang lakas ng tibok nito.

"Napakaganda talaga ng anak ko." Puri sa kanya ng kanyang ina at hinalikan ang kanyang pisngi.

Naluha s'ya sa sinabi nito at muling pinagmasdan ang kanyang kabuuan.

Isang napakagandang white tube gown ang kanyang suot na ginawa pa ng isang sikat na fashion designer sa bansa. Hindi rin naman kasi pumayag si Seb na hindi maging bongga ang kanyang susuotin. Gusto daw s'ya nitong gastusan kahit gaano pa iyon kalaki.

Hinarap n'ya ang kanyang ina at niyakap ito.

"Ma, I love you. Thank you kasi pumayag ka na magpakasal agad kami ni Seb." Naiiyak na sabi n'ya dito.

Kumalas ang kanyang ina mula sa yakap n'ya at pinunasan ang kanyang luha.

"'Wag kang iiyak. Masisira make up mo." Natatawang sabi pa nito kahit naluluha na rin.

Suminghot-singhit s'ya at pinunasan din ang luha ng kanyang ina.

"Ma, waterproof 'yan."

Sabay pa silang natawa.

"Oh, hindi pa nga nagsisimula, nag-iiyakan na kayo d'yan."

Sabay pa silang napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon.

"Dad!" Aniya at sinalubong ito ng yakap.

Natawa ito at niyakap s'ya ng mahigpit. Naramdaman n'yang hinalikan s'ya nito sa bumbunan.

"Ang bunso natin Carmela, mag-aasawa na."

Napasubsob s'ya sa dibdib nito. Ayaw n'yang maging emosyonal ngunit hindi n'ya mapigilan. Mahal na mahal n'ya ang kanyang magulang at alam n'yang mahal din s'ya ng mga ito.

Niyakap rin sila ng kanyang ina. "Parang kahapon lang, Yan, umiiyak ka pa kapag natatakot sa multo. Pupuntahan mo kami sa kwarto at tatabi ka sa amin tapos ay hindi ka nakakatulog kapag hindi nawawala ang takot mo." Pagku-kwento pa ng kanyang ina na s'yang mas nakapagpabuhos sa kanyang mga luha.

"Mommy naman, eh. Ayoko ngang umiyak." Humihikbing saway n'ya pa rito.

"Can I join you?"

Napakalas sila sa yakap at hinarap ang Kuya n'yang nakapamulsa habang nakatingin sa kanila.

Napakagwapo nito sa suot nitong tuxedo. Parang bored na bored ang dating nito ngunit nangingislap naman ang mga mata.

Napaiyak ang kanyang ina. After more than two years, ngayon lang nito gustong makisali sa dramahan.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now