Kabanata 10

4.2K 123 1
                                    

Kabanata 10

Pinagpapawisan na s'ya ng malamig at nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod dahil sa takot.

Napahigpit ang kanyang hawak sa kanyang bag na para bang iyon ang kanyang magiging sandata sa oras na may panganib na darating sa kanya sa mga sandaling iyon.

Napapikit siya ng mariin at nakagat n'ya ang kanyang ibabang labi ng muling makarinig ng kaluskos sa di kalayuan.

Inilibot n'ya ang kanyang paningin at huminto iyon sa isang parte ng kakahuyan.

May mga ligaw na halaman doon na nakapalibot sa mga kahoy pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang bahagyang paggalaw ng mga iyon dahilan upang tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina n'ya pa pinipigilan dahil sa takot na kanyang nararamdaman.

Pinigilan n'ya ang hikbi at nagsalita. "S-Sino 'yan?"

Huminto ang kaluskos at tumigil din ang bahagyang paggalaw ng parteng iyon.

Biglang kumulog dahilan upang mapasigaw s'ya sa gulat. Nang sumunod ang kidlat ay tuluyan na s'yang humagulhol.

Muli na rin n'yang narinig ang kaluskos. Takot na takot na s'ya at alam n'yang wala nang iba pang dadaan doon dahil gabi na at oras na ng pahinga ng kanilang mga trabahador pero patuloy pa rin s'yang umaasa na may tutulong sa kanya.

Kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod ay dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa upang makalayo sa lugar na iyon.

Kung makakarating s'ya agad sa main gate ay alam n'yang ligtas na s'ya.

Ngunit hindi pa man din s'ya nakakailang hakbang ay bigla na lamang umalulong ulit ang aso habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha at umuusal ng dasal.

Hindi n'ya alam kung anong nagtulak sa kanya pero bigla ay lumingon s'ya sa kanyang pinanggalingan kanina at ganoon na lamang ang kanyang pagkagimbal ng may nakatayo na doong isang napakalaking aso!

"AAAAHHHHH!" Isang nakakabinging sigaw ang kanyang tanging nagawa.

Bahagya pa siyang umatras ng humakbang papalapit ang aso. Mas lalo lang s'yang nangilabot ng makita n'ya ang pula nitong mga mata.

Bigla ay naalala n'ya ang narinig n'yang pinag-usapan noon ng kanilang mga tauhan.

Napasalampak siya sa lupa ng madulas siya dahil hindi n'ya namalayang nakatapak pala s'ya ng madulas na parte ng putikan.

Umiling-iling na umiiyak s'ya ng unti-unting lumapit sa kanya ang halimaw na iyon.

"W-Wag.... please." Hikbi n'ya.

Muling kumulog at kumidlat at lalo ring lumakas ang alulong ng aso. Nang tingnan n'ya ang kalangitan ay wala nang buwan at ni isang bituin.

Nang magsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan ay nagulat pa s'ya ng umatras ang halimaw at unti-unting tumakbo palayo.

Napapasinghap s'ya habang humihikbi. Niyakap n'ya ang kanyang sarili.

Ang buong akala n'ya ay iyon na ang kanyang katapusan.

Napaangat ang kanyang tingin sa langit at sinalubong s'ya ng mga patak ng ulan.

Salamat, Panginoon.

Nayakap na lamang n'ya ang kanyang sarili nang mas lalo pang bumuhos ang ulan.

Nanghihina na ang kanyang ng tuhod at nanginginig pa rin s'ya sa pinaghalong lamig at takot.

Anong klaseng halimaw iyon? Iyon ba ang aswang? Bakit kailangan n'ya pang makita iyon? Bakit sa kanya pa iyon kailangang mangyari?

"Daddy... Mommy." Parang batang tawag n'ya sa mga magulang habang nakasandal ang kanyang noo sa kanyang nga tuhod.

His Hidden Identity [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin