Kabanata 30

3.6K 89 0
                                    

Kabanata 30

Napakislot s'ya ng maramdaman ang mainit na hininga ni Seb sa batok n'ya. Dahan-dahan n'yang inalis ang kamay nitong nakayakap sa kanyang hubad na bawyang ngunit hindi s'ya nagtagumpay.

Umungol lang ito at mas hinapit s'ya sa baywang at niyakap ng mahigpit.

Tinapik n'ya ang kamay nito. "Seb, bitaw muna. May pasok ako ngayon. Baka ma late ako."

Naramdaman n'yang hinalikan nito ang kanyang batok at mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.

"'Wag ka na kasi pumasok. Ako naman ang may-ari ng university kaya hindi mo na kailangang magtrabaho. Kayang-kaya ko kayong buhayin ng isang dosenang magiging anak natin.

She chuckled and slapped his hands. "Ano ka ba! Isang dosena ka d'yan. Malolosyang naman ako n'yan."

Naramdaman n'ya ang pag-alog ng balikat nito dahil sa pagtawa. "Joke lang. Syempre, gusto ko sexy ka palagi. Kagaya ngayon," anito at pinisil pa ang hubad n'yang dibdib. Pinalo n'ya ang kamay nito na s'yang ikinalakas ng tawa nito.

"Manyak talaga."

"Ay, sus. Gustung-gusto mo namang minamanyak kita, eh." He huskily whispered and bit her earlobe.

Nanayo na yata ang mga balahibo n'ya sa katawan. Kaya bago pa mauwi sa kung anuman ulit ang kanilang usapan ay pilit s'yang kumawala mula sa pagkakayap nito at bumangon.

Narinig n'ya pa ang pagtutol ni Seb ngunit hindi na n'ya iyon pinansin. Pinulot n'ya ang robang nasa sahig.

Nag-init naman ang kanyang mga pisngi ng makita ang kanilang damit ni Seb na nakakalat sa sahig.

"Uy, may naaalala." Pang-aasar pa nito at saka humalakhak.

Umirap lang s'ya kahit nakatalikod s'ya sa gawi nito. "Tse." Pagtataray pa n'ya kahit nahihiya s'ya at pinulot ang mga nagkalat na damit.

It's been three weeks since they got married at masasabi n'yang napakaswerte n'ya na maging asawa ng isang Juan Sebastian Blancaflor. Araw-araw ay mas lalo n'ya itong minamahal. Napakamaalaga nito at maalalahanin.

Nang naghoneymoon sila ay dalawang linggo nilang nilibot ang Europe. Tuwang-tuwa naman s'ya dahil isa sa mga pangarap n'ya iyon na si Seb pa mismo ang tumupad.

Kakauwi lang nila last week. Ayaw pa sana nilang umuwi ngunit baka matambakan na sila ng mga trabaho. Kung si Seb lang ay wala naman itong problema dahil marami naman itong tauhan at nandyan naman si Connor na pwedeng mag-asikaso ng mga kakailanganin habang s'ya ay may pansamantala ipinalit upang hindi mahuli sa mga lesson ang kanyang mga estudyante.

Kung si Seb ang magdedesisyon, ayaw na nitong magtrabaho pa s'ya ngunit hindi naman s'ya papayag na wala lang s'yang gawin. Yes, it would be great if she'll be a housewife that will wait for her husband to come home from work. Pero gusto n'yang magtrabaho at alam n'yang naiintindihan ni Seb iyon.

Nang makaligo at makapag-ayos ay ginising n'ya ulit si Seb.

"Seb, hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong n'ya habang marahang niyugyog ang balikat nito.

Nagmulat naman ito ng mga mata at humarap sa kanya. "Susunod na lang ako, Ganda. Ipinahanda ko na ang mesa. Sasabay ako sa pagkain." Anito at bumangon.

Tumango lang s'ya at lumabas ng kwarto.

Nang pababa na s'ya ng hagdanan ay sakto namang naghihintay sa baba si Connor na bitbit ang ilang gamit ng kanyang asawa.

"Good morning, Connor."

Yumuko ito at seryoso s'yang tinignan. "Magandang umaga rin po, Señorita."

Napabuntong hininga na lang s'ya. Hindi n'ya maintindihan kung bakit sobrang seryoso palagi ng aura nito. Madalas ay naiilang pa s'ya dito dahil napakacold nito na para bang walang emosyon.

Nang minsan namang sinabi n'ya kay Seb ang napapansin n'ya kay Connor ay tumawa lang ito at sinabing seryosong tao lang daw talaga ito. Nalaman n'yang ulilang lubos na ito at wala nang kakilalang kamag-anak.

Naawa pa s'ya dito dahil nag-iisa na lang ito sa buhay. Mabuti na lamang at hindi striktong amo ai Seb. Parang kaibigan kung ituring nito si Connor minsan. Nakita n'ya kasi itong nakikipag-inuman sa huli.

"BYE. Pupuntahan kita mamaya. I love you." Masuyong sabi ni Seb saka s'ya hinalikan sa labi.

Napangiti s'ya. Kinikilig s'ya sa asawa. "Bye, Baby Panget. I love you, too. See you later." Aniya at kinindatan pa ito bago lumabas ng kotse.

Nakita n'yang napailing lang ito habang nakangiti ng malapad. Inaasar n'ya kasi itong tawaging 'Baby Panget'. Ayon dito ay sobrang baduy daw at dahil ang cute ni Seb na maasar ay iyon ang tinatawag n'ya dito minsan.

Muli s'yang napangiti. Naaalala n'ya na naman kasi ang pagmumukha nito habang nagmamaktol. Nakakagigil.

Pinalis n'ya iyon sa kanyang isip. Balik-trabaho na s'ya sa araw na ito kaya dapat iyon ang pagtuonan n'ya ng pansin. Mamaya na n'ya iisipin ang lahat ng bagay tungkol sa asawa n'ya para hindi s'ya madistract sa klase.

HABANG nagmamaneho ay pangiti-ngiti s'ya. Hindi n'ya mapigilang hindi ngumiti dahil sobra-sobra ang kanyang kasiyahan lalo na at mas lalong naging makulit si Rhian magmula ng ikinasal sila.

Ah, ang sarap sa pakiramdam.

Muli na naman s'yang napangiti. Kung tutuusin ay para na s'yang tangang nakangiti habang pasipol-sipol pa.

Nang tumunog ang kanyang cellphone ay agad n'ya iyong sinagot.

"Hello, Connor. Anong balita?"

Narinig n'ya ang pagbuntong hininga nito. "Master, ipagpaumanhin n'yo po ang masamang balita ngunit ayon sa aking source ay umalis na naman daw po s'ya sa kanyang tinitirhan nang tangkain s'yang sundin ng aking inutusan."

Nawala ang nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi at napalitan iyon ng seryosong aura.

"Saan s'ya huling nakita?"

"Sa isang maliit na bayan po sa malayong lalawigan. Mukhang nakatunog yata s'ya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo tumitigil sa paghahanap sa kanya."

Napahigpit ang kanyang pagkakahawak sa manibela. Bahagya n'yang binagalan ang pagpapatakbo ng kanyang kotse dahil baka hindi n'ya makontrol ang kanyang sarili at kung saan-saan n'ya lang iyon mabangga.

Nag-igting ang kanyang panga. "Hindi tayo susuko, Connor. Kailangan natin s'yang mahanap. Hindi ako makakapayag na muli n'yang guguluhin ang buhay ko." Aniya na may diin sa bawat salitang sinasabi.

Narinig n'ya ang pagtikhim nito sa kabilang linya. "Opo, Master. Hindi rin po ako titigil sa paghahanap sa kanya."

Tumango s'ya kahit hindi s'ya nakikita nito. "Sige, mag-usap na lang tayo mamaya pagdating ko sa mansion. Kailangang palawakin natin ang paghahanap."

Nang matapos ang tawag ay inihinto n'ya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Isinandal n'ya ang kanyang noo sa kanyang braso na nasa manibela.

Sumasakit ang ulo n'ya dahil sa nalaman. Bagong kasal s'ya at dapat hindi n'ya muna iniisip ang mga ganitong bagay ngunit natatakot naman s'yang baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon sa oras na mas lalong makalayo ang taong iyon.

Ngayong kasal na sila ni Rhian, mas lalong dapat n'yang ayusin ang mga gusot. Gusto na n'yang mamuhay ng payapa. Gusto n'yang mamuhay ng normal. Marami pa silang plano ng kanyang asawa para sa kanilang hinaharap at isa na doon ay ang pagbuo nila ng sariling pamilya.

Hindi s'ya papayag na masisira lang iyon dahil sa isang taong mula sa kanyang nakaraan na pwedeng bumalik upang siraing muli ang kanyang buhay.

Ito ang naging dahilan ng lahat ng kanyang paghihirap kaya dapat lang na pagbayaran nito ang lahat ng iyon.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now