Kabanata 9

4.2K 111 1
                                    

Kabanata 9

"May pupuntahan kaming kliyente ng Daddy mo. Gusto mo bang sumama?"

Napatigil sa pagmumuni si Rhian at hinarap ang ina.

Marahan siyang umiling at tamad na pinaglaruan ang pagkain sa kanyang plato.

"Subukan mo ring gumagal kahit minsan, anak. Higit dalawang buwan ka nang nandito sa hacienda pero para ka namang nakakulong dahil ayaw mong mamasyal. Marami namang magagandang pasyalan dito." Ani ng kanyang ama.

Binitiwan niya ang kutsarang hawak n'ya at isinandal niya ang kanyang likod sa upuan.

"Tsaka na po 'pag nasa mood na ako, Dad, Mom. Wala rin naman akong makakasama. Nasa Singapore po si Nadine at nasa honeymoon naman si Indie."

Tumango-tango ang kanyang ina.

"Basta, gumala ka kahit minsan. S'ya nga pala, tinawagan ka na ba ng sekretarya ni Seb?"

Napaikot na lamang siya sa kanyang mata sa tanong ng kanyang ina. Hindi ang sekretarya ang tumawag kung hindi ay ang mismong Juan Sebastian Blancaflor na 'yun.

Kung noong huli nilang pagkikita ay inasar-asar siya nito ay kabaligtaran naman ito ng tawagan siya nito.

Napakapormal ng boses na pati siya ay nasabi sa sariling kagalang-galang nga ang lalaking iyon.

Ang buong akala pa naman n'ya ay importante ang kailangan nito ngunit sinabi lang nito na pag-iisipan pa nito kung tatanggapin s'ya sa trabaho.

Hindi na nga n'ya pinag-uukulan ng pansin dahil wala namang interview na naganap kaya imposibleng matanggap s'ya pero sabi nito ay nabasa daw nito ang kanyang resume at tinawagan din nito ang dati n'yang pinagtratrabahuan at nakumbinse naman daw ito na masipag s'ya sa kanyang trabaho.

Baka nga ay kaya lang s'ya nito ipapasok kung sakali ay dahil magkaibigan ito at ang mga magulang n'ya. Ang panget pakinggan n'yon pero alam n'yang may posibilidad na 'yun nga ang dahilan.

KANINA pa s'ya nagpaikot-ikot sa mall sa bayan ngunit hindi n'ya pa rin mahanap ang jewelry store na sinasabi ng kanyang ina.

Balak n'ya kasing bilhan ng mamahaling relo ang kanyang ama para sa nalalapit nitong kaarawan.

Gusto nga n'ya sanang magpasama sa ina ngunit tumanggi ang huli dahil may aasikasuhin pa daw ito. Isa pa, dapat din daw n'yang kabisaduhin ang bayan upang hindi na s'ya mahihirapan sa susunod na mamamasyal s'ya.

Hindi rin naman mahirap kabisaduhin ang naturang lugar kaya ay naglakas-loob s'yang lumakad ng mag-isa.

Bilin nga lang ng ina ay huwag magpapagabi sa daan.

Nagtraysikel lang kasi s'ya dahil baka ang kanyang ama ang magpasyang ihatid s'ya at mabulilyaso pa ang surpresa n'ya.

Nagtanong-tanong s'ya sa mga security guard kung saang banda ng mall ang naturang jewelry shop at sa wakas ay natunton na rin n'ya iyon.

Nang makapasok sa loob ay agad siyang binati ng saleslady.

Nginitian n'ya naman ito bilang pagbati.

"Miss, where's the watches section?" Magalang na tanong n'ya.

Iginiya siya nito sa isang parte ng shop at doon n'ya nakita ang iba't ibang klase ng mamahaling relo.

"Dito po ma'am."

Halos malula s'ya ng makita ang presyo ng mga iyon. Napakaganda naman kasi ng mga disenyo. May purong diamond na nakapalibot kaya sobrang mahal.

Hinayaan muna siya nitong mamili dahil may ibang customer itong in-entertain.

Pumayag naman s'ya dahil alam n'yang medyo matatagalan s'ya sa pagpili dahil pawang magaganda ang mga disenyo.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now