Kabanata 38

3.8K 96 1
                                    

Kabanata 38

“Sundin mo ang napag-usapan natin kung ayaw mong mapahamak ang mag-ina mo.”

Mariing napapikit si Seb ng maalala ang banta sa kanya ni Rafael. Dala ng matinding takot sa maaari nitong gawin kay Rhian ay napapayag s’ya nito sa gusto nitong mangyari.

Gusto nitong patayin n’ya ang ama ng kanyang pinakamamahal. Ang taong itinuring din s’yang parang isang anak. Maraming mga tanong ang naglalaro sa kanyang isipan.

Bakit sa lahat ay ito pa?

Hindi n’ya kaya. Hindi n’ya kakayanin. Alam n’yang masasaktan ng husto ang kanyang asawa at si Mama Carmela.

Humugot s’ya ng hininga ng maalala ang nakangiting mukha ng kanyang asawa kasama ang mga magulang nito. Hindi n’ya kayang bawiin dito ang isa sa mga pinakamamahal nito. Hindi n’ya magagawa.

“Hindi ka na pwedeng umatras,” ani Connor ng tumalikod s’ya at nais na umalis sa lugar na iyon.

Nagmamakaawang tiningnan n’ya ito ngunit malamig na ekspresyon ang sumalubong sa kanya.

“Connor, h-hindi ito dapat—“

“Um-oo ka sa Kuya ko. May kasunduan kayo.”

“Paano ako makasisiguro na hindi n’yo idadamay ang asawa ko?”
Bahagya itong tumango sa kanya. “Makakaasa ka.”

Hindi n’ya alam kung bakit agad s’yang napanatag sa sinabing iyon ni Connor. Isa itong traydor. Hindi n’ya ito kakampi. Simula pa lang ay taksil na ito ngunit parang may nag-uudyok sa kanyang ipagkatiwala ditong muli ang kaligtasan ni Rhian.

Tahimik na ang paligid. Malalim na rin ang gabi kaya paniguradong tulog na ang karamihan sa mga tao sa mansion lalo na ang mga trabahador ng hacienda.

Ramdam ni Sebastian ang kaba sa kanyang dibdib. Mahigpit din ang kanyang kapit sa kanyang maitim na coat kung saan nakalagay ang punyal na gagamitin n’ya sa gagawing krimen.

Nasa paligid lamang ang mga tauhan ni Connor.

Gustung-gusto n’yang umatras ngunit hindi n’ya kayang mapahamak si Rhian.

Mapait s’yang napangiti. Kung gagawin n’ya ba ang iniuutos ni Rafael ay magiging masaya na s’ya?

Alam na ni Rhian ang tungkol sa tunay n’yang pagkatao at sigurado s’yang kinamumuhian na s’ya nito. Kaya n’ya bang sumugal para sa pinakamamahal n’ya?

Alam n’yang ‘oo’ ang kanyang sagot. Pero paano n’ya ito dadamayan sa pagdadalamhati nito kung s’ya mismo ang dahilan ng hinagpis nito?

Ikiniskis n’ya ang kanyang dalawang palad bago sinira ang lock ng pintuan sa likod. Nang magawa n’ya iyon ay dahan-dahan n’ya iyong binuksan. Ingat na ingat s’ya kahit sa pinakamaliit na ingay na maari n’yang malikha.

Ayaw n’yang mabulilyaso ang gagawin n’ya. Nagdadalawang-isip pa rin s’ya ngunit ipinagwalang bahala na lamang n’ya iyon.

Napaigtad s’ya at dali-daling kumubli sa pinakamalapit na maaaring pagtaguan ng biglang nabuhay ang ilaw sa kusina.

Dahan-dahan n’yang tiningnan kung sino iyon at parang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso ng makitang si Rhian iyon.

Umiinom ito ng tubig habang nakahimas ang kamay sa tiyan nitong hindi pa gaanong klaro ang umbok.

Bigla ay naglaway s’ya sa kakaibang bango na dulot ng bata sa sinapupunan ng kanyang asawa.

Umiling-iling s’ya lalo na ng maramdaman n’ya ang kakaibang init na iyon na dumaloy sa kanyang kaibuturan. Hindi. Hindi iyon maaari.

His Hidden Identity [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon