Kabanata 12

4K 102 1
                                    

Kabanata 12

"Good evening, Tito, Tita. Thank you for coming."

Muling inihanda ni Rhian ang ngiti sa kanyang mga labi.

Sa katunayan ay kanina pa nangangalay ang kanyang panga sa kangingiti sa mga bisitang dumarating.

"Are you alright?"

Tumango lang s'ya sa tanong na iyon ng kanyang kapatid. Muli n'yang ikinawit ang kanyang braso sa braso nito at muli nilang in-estima ang iba pang bagong dating na bisita.

Kaarawan kasi ng kanilang ama at idinaraos iyon sa kanilang mansyon.

Ayon sa ama ay mas mabuti daw iyon. Wala naman s'ya sa posisyong tumutol.

Isa pa, kaarawan ito ng kanilang ama kaya nararapat lang na ito ang masunod.

Sumasakit na ang kanyang paa dahil sa suot na killer shoes. Gusto na muna n'yang umupo kaso nakakahiya naman sa mga bisita kung iiwan n'ya ito sa kanyang kapatid.

Ang kanilang mga magulang ay abala rin naman sa pag-e-estima ng iba pang bisita.

Karamihan sa mga dumalo ay mga negosyante at pulitiko. Kokonti lamang ang kanyang kilala sa mga ito. Heto nga't puro ngiti lang ang kanyang nagagawa habang ang kapatid n'ya ang nakikipag-usap.

Napasulyap s'ya sa relong pambisig ng kanyang kapatid at nakitang alas otso pa lamang ng gabi.

The night is still young at alam n'yang nagsisimula pa lang ang kasiyahan. Matagal pa bago ito matapos kaya dapat lang na mag-enjoy s'ya para hindi s'ya tamaan ng boredom.

Hindi naman kasi pwedeng matulog s'ya agad. She didn't want to miss her father's birthday kaya dapat lang na nandito s'ya.

Napalinga s'ya sa paligid upang hanapin sana ang kanyang mga kaibigan. Nakasalubong n'ya kasi kanina ang mga magulang ng mga ito.

Una na s'yang sinabihan ni Nadine na hindi ito makakapunta dahil sa tambak na trabaho. Wala naman s'yang magagawa upang pilitin ito dahil subsob ang isang iyon sa trabaho.

"Rhian!"

Napalingon s'ya sa tumawag sa kanya. Sandali s'yang nagpaalam sa kapatid at pinuntahan ang tumawag.

Sinalubong s'ya nito ng yakap.

"Happy birthday, Dad." She said and kissed her father's cheek. "I hope you liked my gift."

He chuckled and looked at his wrist. Kapagkuwa'y itinaas nito iyon.

"Of course I do. In fact, I'm wearing it now." He said. "You really know what my interest is, baby."

She beamed at him. Natutuwa s'yang nagustuhan ng kanyang ama ang kanyang regalo para dito.

"Syempre, Dad. Mas lalo ka ngang gumwapo habang suot mo 'yan." She said while grinning.

Her father laughed and pinched her nose lightly.

"Nagbibiruan na naman kayong mag-ama."

She looked at her mother and giggled. She kissed her cheek and her father did the same.

Nag-usap pa sila hangga't sa naisip n'yang tawagan si Indira.

She excused herself at pumunta sa parte kung saan hindi masyadong maingay.

Makaraan ang ilang ring ay sumagot din ito.

"Hello, Indie. Nasaan na kayo ni Janus?"

Narinig n'ya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now