Kabanata 15

3.9K 100 6
                                    

Kabanata 15

"Seb, wait." Tawag n'ya sa binata ngunit hindi ito tumalima.

Patuloy lang ito sa paglakad papalabas ng restaurant. Nag-iwan pa ito ng ilang libo para sa bill.

"Seb, sorry na nga, okay?"

Hindi pa rin s'ya nito pinansin. Sunod lang naman s'ya ng sunod dito hanggang sa makarating sila sa parking lot ng mall.

Akmang bubuksan nito ang driver's seat ng hagipin n'ya ang braso nito.

Napatigil ito ngunit hindi s'ya nilingon. Naririnig n'ya ang malalim nitong paghinga.

Napabuntong hininga s'ya.

"Sorry for being insensitive, Seb. I just thought that you need to let it out para mabawasan ang bigat sa dibdib mo." She said.

She bit her lower lip when he took her hand away from his arms.

Tiningala n'ya ito. Wala pa ring kababakasang emosyon ang mga mata nito. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang hindi nito maintindihan ang mga sinasabi n'ya.

Itinaas n'ya ang kanyang mga kamay as a sign of defeat.

"Sorry na, okay? Kanina pa ako nagsosorry pero di mo naman ako pinapansin." Nagtatampong saad pa n'ya.

She saw him shook his head. Kinuha nito ang kamay n'ya at muli s'yang tinitigan.

Napalunok s'ya ng magpang-abot ang kanilang mga paningin. Hindi rin magkamayaw ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Bigla ay lumambot ang ekspresyon ng mukha nito ngunit bakas pa rin sa abuhin nitong mga mata ang lungkot.

"I'm sorry din. I just don't want to talk about it. They're not a part of me now."

"P-Pero--"

Pinisil nito ang kanyang kamay na hawak nito.

"Hindi na natin 'yan pag-uusapan, ganda. Understood?"

Inirapan na lang n'ya ito.

"Sige na nga."

He smiled and she felt like she's gonna melt. Hindi na talaga n'ya alam kung bakit iba ang kanyang reaksyon pagdating kay Seb.

"Ah, sus, gusto lang pala ni panget na sinusuyo. Para kang babae. Kapal mo, ah."

Humalakhak ito at pinapasok na s'ya sa passenger's seat.

Maya-maya pa ay nagbibyahe na sila. Nang sinipat n'ya ang kanyang relong pambisig ay napagtanto n'yang mag-a-alas syete na pala ng gabi.

Binalingan n'ya si Seb na tutok na tutok sa pagmamaneho.

"Seb, ang tagal ko palang naglakwatsa. Baka mapagalitan ako nina Mommy at Daddy." Natatawang saad n'ya kay Seb.

He chuckled. Binalingan s'ya nito.

"Hindi ka na pagagalitan. You're not a student anymore. Tsaka, nasa tamang edad ka na."

"Eh, anong sasabihin ko 'pag nagtanong kung bakit ako natagalan?"

He grinned.

"Sabihin mo nagdate tayo." He said and winked at her.

Natatawang hinampas n'ya ito.

"Siraulo!"

Napuno ng tawanan ang sasakyan nito.

Nakahinga s'ya ng maluwag. Mabuti na lang at madaling nawala ang galit ni Seb kanina. Kahit paano ay nawala ang kanyang pagkabahala ngunit sa tuwing nakikita n'ya ang kalungkutan sa mga mata nito ay hindi n'ya maiwasang hindi magtanong kung bakit ayaw nitong pag-usapan ang pamilya nito.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now