Kabanata 22

3.7K 108 3
                                    

Kabanata 22

Nagising si Rhian dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Ewan ba n'ya. Wala naman s'yang naaalalang nagkasakit s'ya nang araw na iyon ngunit parang pasan n'ya ang mundo dahil sa mabigat na pakiramdam na iyon.

Sinubukan n'yang bumangon ngunit bigo s'ya at muling napahiga. Pupungas-pungas pa s'ya at naghikab ng maramdaman n'yang may gumalaw sa kanyang tabi.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng may napagtanto.

Nakatulog s'ya sa kwarto ni Seb!

Binaling n'ya ang atensyon sa bintana at mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang umaga na.

Sinubukan n'ya ulit ang bumangong ngunit naramdaman n'ya ang paghigpit ng yakap sa kanya ng binata. Ramdam n'ya pa ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg at ang init na nanggagaling sa katawan nito.

Napalunok s'ya. Parang nakikipagkarera ang puso n'ya dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Napansin n'yang nakadantay pa sa kanyang hita ang isang hita ng binata. Pero hindi iyon ang ikinagimbal n'ya. May naramdaman kasi s'yang parang bukol.

"Shit!" Naibulalas n'ya at naitulak ang binata.

Kumalabog ito ng bumagsak sa kama.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang wala na itong suot na pang-itaas at tanging boxer shorts na lamang ang saplot nito.

Kakamot-kamot pa ito sa ulo nito at muling bumalik sa pagkakahiga. Naalimpungatan lang yata ito at hindi napansin na s'ya ang tumulak dito.

Wala sa sariling napatingin s'ya sa ilalim ng kumot. Napahinga pa s'ya ng maluwag ng makitang may damit pa s'ya. Kaya lang ay wala na ang kanyang suot na cardigan. Naalala n'yang hinubad n'ya iyon kagabi dahil pinagpapawisan s'ya. In-off n'ya kasi ang aircon dahil nilalamig si Seb. Tanging ang nakapailalim na tube blouse at shorts ang suot n'ya.

Napapikit s'ya ng mariin.

Hindi dapat ito nangyari. Ano na lang ang idadahilan n'ya sa kanyang mga magulang kung bakit hindi s'ya nakauwi kagabi? Higit sa lahat, paano na lang kung malaman ni Maddisson ang pangyayaring ito?

Siguradong malalagot s'ya. Hindi na naman kasi kagaya ng dati ang sitwasyon nila ni Seb. Pilit man n'yang itanggi ay mayroon ng malisya ang mga ganitong pangyayari.

Mahal n'ya ang binata pero hindi naman ibig sabihin niyon ay magpapakadesperada na s'ya para makuha ito. Iyon ang hindi n'ya gagawin. Hindi n'ya kailanman gugustuhin na makasira ng relasyon.

Binaling n'ya ang atensyon dito. Tulog na tulog ito habang nakaharap sa kanyang direksyon ang mukha nito. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito.

Napabuntong hininga s'ya. The sceen right now is so much appealing to her sight. Pero sa tuwing naaalala n'ya ang kanilang estado ay nababalutan lang ulit ng kalungkutan ang kanyang puso.

Marahan n'yang tinapik ang pisngi nito. "Seb..."

Hindi man lang ito natinag kaya muli n'yang tinapik ang pisngi nito. "Seb...gising na."

Umungol lang ito at hinapit s'ya papalapit sa katawan nito. Napasinghap s'ya lalo na ng mapasandal ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib.

Isinandal n'ya ang pisngi sa parte kung saan nakalagay ang puso nito at napapikit na lamang s'ya ng marinig ang malakas na tibok niyon. Hinihiling n'ya na sana s'ya ang dahilan ng malakas na pagtibok ng puso nito ngunit alam n'yang imposible ang hinihiling n'ya dahil may nagmamay-ari na ng puso nito.

Inangat n'ya ang kanyang paningin sa nakapikit na binata. Sinubukan n'yang kumawala ngunit mas humigpit lang ang pagkakayakap nito sa kanya.

"S-Seb... kailangan ko nang umalis."

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now