ICSYD #3 - The Unsolved Case

492 40 6
                                    

Nyxus

Naging busy ako ngayon sa paggawa ng report dahil ipapasa ko na ito ngayon kay Chief, simula kagabi ko pa ito ginagawa ang dami pa palang mga kaso na di nagagawan ng report.

Habang kinakalkal ko yung mga papel na nasa drawer may isa na umagaw sa atensiyon ko. " The Mysterious Murderer of La Vien Dor Models"

This is the only case was left unsolved 3 years ago.. sa lahat ng mga kaso noon, ito lang yung hindi nairesolba ng mga pulis, basi sa kasong ito, pinatay rin ang pulis na may hawak sa kasong ito at lahat ng mga ebidensya na hawak niya na yun umano'y makakapagturo sa suspect ang syang makakapagbigay hustisya sa mga biktima na ito,subalit kinitil rin ang buhay nito.

At doon lang nagwakas ang kasong ito, wala nang ibang sumunod o gustong humawak muli sa kasong ito.

"Mr. Villanueva, tapos ka na ba sa report mo?" Tanong ni Chief Borja

"Yes po Sir" sabi ko

"Okay, you can take your break" sabi niya, ngunit napahinto sya nung makita niya akong hawak ko yung document na iyon.

"Kawawa ang pamilya ng mga biktima na yan, hanggang ngayon may nakakausap parin akong bpamilya ng mga biktima na gusto ipagpatuloy ang kaso na iyan" wika niya

"Bakit walang gustong sumunod na iresolba ang kasong ito?" Tanong ko

"Iyon ay utos nang kaitaas-taasan, gustuhin ko mang..."napatigil sya sa kanyang gustong sasabihin at nakita ko ang namumulang mga mata nito

"Kasali din po ba kayo sa pamilya ng biktima na ito?" Tanong ko at tumango naman sya

"Oo, kaso hindi isang modelo ang asawa ko, isa siyang janitress, naisabing isa sa mga witness ang asawa ko sa nangyari na iyan, at hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon, nalaman ko nalang ng sinabi sa akin ng kilala kong detective na nagpresenta ang asawa ko na maging isang witness, at kilala niya mismo ang pumatay sa mga modelong iyan, kaso bago pa niya maisabi, agad syang pinatay ng mga di kilalang suspect" wika ni Chief

Siguro may malakas na koneksiyon ang primary suspect na iyon upang maisagawa ng ganun kabilis ang mga plano niya upang hindi mailantad ang katauhan niya. Siguro din ay may kasabwat din sya sa polisya.

"Kaya kung sino man ang may lakas loob na ipabukas ulit itong kaso nato sa kataas-taasan labis ang pasasalamat naming mga pamilya ng biktima sa lalaking iyon." Wika ni Chief

Hindi ko akalain na sya mismong pulis at may mataas na ranggo ay isinibahala ang kasong ito sa kamay ng iba, ganun talaga kahigpit ang mga nasa kataas-taasan.

"Oy Nyx binigyan ka na ba ng break ni Chief?" Tanong ni Salvador

"Oo, si Gomez? Nasan?"tanong ko

"Hahaha ayon naiwan, tinulugan kasi yung gawain niya kaya di sya makakasama sa atin " wika niya

Ngayon kaming dalawa ni Salvador ang magkakasama kumain sa labas ngayon, di ko pa naman kayang sumabay sa ingay ng isang to

Napatigil naman kami pareho ng may nakita kaming mga tao sa labas at may kanyang kanyang hawak na kartonila at may mga nakalagay pang justice at pangalan nung biktima

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now