ICSYD #37 - "Rumble"

234 16 0
                                    

Continuation...

Rhiona

"What?! Paano?!" tanong ni Megan sa akin, distress was shown on her face

"May mga grupong lalaki na kumuha sa kanya habang may blackout" sagot naman ni Shan

Hindi ko alam ang gagawin ko. May isa pang bumabagabag sa isip ko, ang tungkol sa nakita ko kanina. 

Humakbang ako palapit kay Nyx, habang naghihintay sila sa kanilang mga kasama na pumunta dito, may iba rin kasi na magiimbestiga sa nangyari,  humarap naman siya sa akin na may pag-alala sa mukha niya. 

"Are you okay?" he asks

I disregard his question and proceed with what I am going to say.

"I saw someone's death earlier, habang wala yung kuryente, someone's grab my arm accidentally, that's when I saw how the victim die." 

"M-may clue ka ba kung sino ang biktima na iyon?" tanong niya

"Madilim ng mangyari iyon, I saw nothing" ako

"Regarding sa nakita mo? May nakita ka bang maaring makakatulong na maidentify natin ang biktima na iyon?" tanong niya ulit

I look back from what I saw earlier, at iniisa-isa kong inalala ang bawat detalye nung biktima mula sa babang parte nito. The victim was wearing a black tuxedo that's I confirmed that the victim is a guy, at pagkatapos paluin ito ng suspek ng golf stick, I saw his left hand fall to his waist, that's when I saw a clue to find this man I hope it can help.

"He's wearing the " Glashütte Original PanoInverse" one of the most exquisite watches manufactured in Germany."

" I think that kind of watch cost more than three hundred thousand" wika ni Gomez

"How did you know that price?" tanong naman ni Nyx

"My father enjoyed collecting watches from all around the world, and his watches were placed on a frame in our home after he died." kwento niya

"Kailangan natin tanungin si Gio kung may kilala ba siya o ang ama nito mismo kung sino sa mga bisita nila ang may ari ng ganyang relo" Nyx

Napatango naman ako sa sinabi niya, pero hindi pa rin ako mapakali lalo't na hindi ko alam kung kelan iyon mangyayari. 

"Nandito na ang mga kasama namin mauuna na kami Rhia, sisimulan na namin ngayon ang paghahanap" Wika ni Nyx

"Pleasee...gawin niyo ang lahat mahanap lang ang kaibigan namin" pagmamakaawa ni Megan

Wala akong ibang hinihiling ngayon kundi ang kaligtasan ni Ivory. 

Nyxus Points of View

"Santos, natrack mo ba ang pinaroroonan ni Ms. Lambert?" tanong ko sa kanya habang papunta kami sa power source ng kuryente dito sa building na ito

"Yun nga ang mahirap Sir, hindi ko matrack yung pinaroonan nung biktima kasi nakapatay po ang phone nito" wika nito

"Ah— nakalimutan kong sabihin nasa akin pala ang phone ni Ivory nahulog niya to' kasi ng buhatin sya nung mga kumuha sa kanya" wika ni Gomez

I let out a big sigh ng sabihin ito ni Gomez, mas mahihirapan kaming hanapin ang babae yun. Iniisip ko parin kung ano ang motibo sa pagkadukot ni Ivory. May dahilan ba ito sa sasabihin niyang tungkol sa pagkamatay ni Lovis?

Kung sakali man, walang ibang nakakaalam sa pagiimbestiga namin ng kasong iyon kundi ako, si Gomez, ang team ni Salvador at si Chief Borja.  Hindi nga namin pinaalam sa Directorial Staff ang tungkol dito.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now