ICSYD #40 - Something Odd

228 13 0
                                    

Nyxus

Bumalik na agad ako sa opisina matapos ang nangyari, palagi ko iniisip kung saan pumunta si Rhia, kanina ko pa siya tinatawagan o tinitext, kahit man lang ipaalam niya sa amin kung saan siya pumunta magiging panatag na yung isipan namin, hindi yung ganito na napapaisip kung ano ang posibilidad na mangyari sa kanya, lalo na't may mga tao na gusto kaming ipahamak dahil sa imbestigasyon na ginagawa namin. 

Pagpasok ko ay nagtaka ako kung bakit napakabusy ng mga tao dito, agad ko naman nilapitan si Salvador upang magtanong.

"Salvador, anong meron?" ako 

"Ahh eto dapat yung sasabihin ko sayo kanina, sa paghahanap namin ng ebidensya doon sa lugar na iyon ay sa wakas meron kaming nakuha" Salvador

"Ano yon?" ako 

"Isang baril na nakabaon sa lupa" Salvador

Namangha naman ako sa sinabi ni Salvador

"At ngayon ay hinihintay nalang natin ang fingerprint tracing niyan" wika ni Salvador

"Pwede ko bang hiramin ng sandali?" ako 

Ibinigay naman sa akin ito ni Slavador na nakalagay pa sa isang ziplock upang hindi ito ma contaminate. Agad naman ako pumunta sa kung nasaan ang mga suspek namin at tinanong ko kung sa kanya ba itong baril na ito. 

"Sinasabi ko po ang totoo, na hindi ako ang pumatay sa batang iyan, hindi rin ako ang magmamay-ari ng baril na yan"wika ni Mr.Carino

Hindi ko na siya pinilit pa na aminin yung totoo dahil sa tingin ko naman ay nagsasabi siya ng totoo, agad naman ako pumunta sa isa pa na kasalukuyang nakaupo parin sa electric chair. 

"Tell me, sinong magmamay-ari ng baril na ito?" tanong ko at tanging napangisi lamang ang lalaking to

"Ganon ka ba talaga ka tanga? Sa tingin mo ba ay sasabihin ko sayo kung sino ang nagmamay-ari niyan?" wika naman ni Hugo sa akin

Kinuha ko naman yung remote na nasa bulsa ko at pinindot ang button, napasigaw naman ang lalaki dahil sa kuryente na dumaloy sa katawan niya at nangingisay pa ito. 

"Simple lang naman ang gusto... sabihin mo sa akin ang katotohanan o mananatili kang ganito?" wika ko

Iniwan ko na kaagad ang lalaking iyon dahil alam kong wala akong mapapala sa kanya, kasing tigas ng diyamante ang pagmumukha non. 

Lumabas ako sa interrogation room at ganon pa rin ang mga tao rito, umupo naman ako sa pwesto saka hinarap ang computer ko.

Sumasagi na naman sa isip ko si Rhia. May nag-uudyok sa akin na alamin yung pinaroroonan niya. Napaupo naman ako ng maayos ng may naalala ako.

Para bang may bombilya na lumitaw sa ulo ko dahil sa naalala ko na nilagyan ko mg Gps tracker ang cellphone ni Rhia.

Agad ko naman binuksan iyong cellphone ko at binuksan yung tracker ko saka ko in-input ang number ni Rhia at naghintay pa ako ng ilang minuto pero nag failed lang sa akin.

Bakit? Anong nangyari sa phone niya? Inis na nilapag ko yung cellphone ko sa mesa. Napabaling namam ang atensyon ko sa kumosiyon na nangyari sa labas kaya agad ako napatayo ganon rin ang mga kasam ko at agad namin pinuntahan iyon.

"Salvador, Sino yan?" Tanong ko doon sa hawak niyang lalaki

"Sinurrender niya daw ang kanyang sarili at inamin na siya yung pumatay kay Lovis Medrano" wika ni Salvador

Agad ko naman tiningnan ang braso nito at may nakita nga akong butterfly tattoo dito, pero nakakapagtaka naman kung bakit sumuko nalang nang basta-basta ang suspek na ito?

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now