ICSYD #32 - Missing Evidence

223 13 0
                                    

Nyxus

Nandito ako ngayon nakaharap sa monitor ko habang ginagawa yung pananaliksik tungkol sa kaso na nangayari tatlong taon ang nakalipas, kapag nakakuha na ako ng sapat na ebidensya mula sa kasong ito ay saka ako magrereport na ipapabukas ko ulit ang imbestigasyon nito. Ngayon na hawak ko ang isa sa mga mabigat na witness sa kasong ito ay minamadali ko ang paghahanap pa ng  mga impormasyon na makakatulong sa pagbubukas ko sa imbestigasyon na ito. I won't let those perpetrator to win this case again. 

"Nyx, may naghahanap sayo sa labas, babae mo na naman" lokong sabi ni Guanzon

Sinong babae? malabo naman kung si Rhia yun eh may pasok yun ngayon eh?

Imbis na magtanong pa ako kay Guanzon ay pinuntahan ko nalang mismo itong naghahanap sa akin sa labas at nakita ko mula sa di kalayuan si Shanaia, ano'ng ginagawa niya rito?

"Shan?" tawag ko sa kanya, agad naman siya lumingon sa akin at nakangiti na inabot sa akin iyong supot na dala niya. 

Napalunok ako ng may maalala ako sa ganitong set-up namin dati. Yung panahon na maayos pa ang lahat. 

"Nabalitaan ko kasi na masyado kang busy ngayon, kaya naisipan ko na pagdalhan kita ng lunch mo" wika niya

"You don't need to do this Shan" ako 

"Ano ka ba! para namang hindi natin ginagawa to dati ei" siya, napalunok ulit ako. 

Bakit ba ayaw pa rin niyang kalimutan kung anong meron kami dati?

"It was all in the past Shan" ako 

"Alam ko Nyx, tanggapin mo nalang yung ginawa ko para di naman masayang yung effort ko" wika niya

Wala akong choice kundi ang tanggapin nga yung hinanda niyang pagkain para sa akin, nakakainis parang may kung anong kumirot mula sa dibdib ko ng tanggapin ko yung supot na iyon. 

"Kainin mo yan ha, may pasobra pa yan para sa mga kasama mo" Shanaia

"Thanks, pero sa susunod di mo na kailangan gawin ito" wika ko 

"Nyx" biglang banggit niya sa pangalan ko kaya napahinto muna ako bago siya iwan sa labas

"Lagi mong tandaan na hindi ako magsasawang balikan yung nakaraan natin kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan" sabi niya, ngumiti siya sa akin saka siya naunang lumakad palayo. 

Wala akong ideya kung bakit pilit niya parin binabalikan yung nakaraan namin, hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit pilit ko na itinataboy iyon. 

"Wow pre! may naghatid sayo ng pagkain mo? Ibang klase talaga ang isang Villanueva oh" pang-aasar ni Salvador, ngayon lang ulit ito bumalik sa dati niyang sigla

"Kumuha ka kung gusto mo Salvador" wika ko sa kanya

"Sige pre, mukhang masarap eh at mabango pa yung niluto" wika niya saka kinuha niya yung tinidor niya at tumuhog doon sa ulam na nilapag ko sa mesa ko. Tiningnan ko naman yung niluto ni Shanaia 

Flashback

"Baby, tikman mo nga tong pork menudo na niluto ko?" wika ni Shan sa akin

"Teka lang baby" ako 

Isinubo naman niya sa akin yung niluto niya at ninguya ko ito, sobrang galing talaga magluto nitong girlfriend ko ei, pwede ko na maging asawa. 

"Baby, masarap sobraaa... napakalambot nung karne at sakto lang yung timpla mo" komento ko sa luto niya, agad naman lumiwanag sa mukha niya yung saya dahil sa sinabi ko 

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now