ICSYD #35 - "Lovis Medrano"

246 17 0
                                    

Nyxus

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Guanzon tungkol sa binatang pinatay sa lugar na ito, nagpagawa ako ng search operation sa lugar kung saan naganap iyong pagpatay sa binatang iyon na di kalayuan lamang sa lugar kung saan namin na rescue si Shanaia. Sa paghuhukay nila sa gitna ng kagubatan na ito ay wala silang anumang importanteng bagay na nakita maliban sa natitirang gamit na naiwan nung binata na nagmula pa sa isang forensic team.

Ayon dito itinago nila ang gamit nung binata matapos nila imbestigahan ang pagkamatay nito dahil walang kumuha nito na kapamilya nung bata, pinakita rin niya sa amin ang litrato nung binata at mukhang kasing-edad lang nito ng kapatid ko. Hinukay ko naman ang mga gamit nito, at iniisa-isa ko sinuri ang bawat laman nito, mula sa mga notebook at libro nito, habang mabilis na iniscan ko ang mga libro nito ay may lumipad na isang sticky note at may nakasulat ito dito, isang cellphone number.

Siguro ay isa ito sa mga kilala ng biktima, itinago ko naman sa bulsa ko ang sticky note na iyon saka ko ibinalik iyong libro sa lalagyan, bago ko pa isauli ito sa keeper nito ay may napansin pa akong isang bagay mula dito ang ID ng lalaki.

Kinuha ko rin ito saka ko pinagmasdan ang mukha. He is not familiar to me, at sa Wingston University rin sya nag-aaral same school ng kapatid ko but it was 3 years ago so nasa highschool pa ang lalaking ito. Siguro ay may alam din ang eskwelahan na ito tungkol sa biktima.

Napagpasyahan ko kasi na pagtuunan ko ng pansin ngayon ang kaso ng binata na ito, since naisara din ang kaso na ito na hindi man lang nahuli ang pumatay sa kanya, ni' walang pamilya din ang lalaki na ito kaya ang hirap makakalap ng impormasyon mula sa kanya, pero malakas ang kutob ko na ang paaralan na ito ay may alam tungkol sa batang ito.

"Gomez, sasama ka sa akin ngayon pupunta tayo sa paaralan nato upang magtanong tungkol sa lalaking ito na nagngangalang Lovis Medrano.

Tumango naman si Gomez at nagpaalam naman kami sa mga kasamahan namin na may pupuntahan pa kaming dalawa.

Habang nasa sasakyan ay di maiwasan ni Gomez magtanong tungkol sa kaso na iniimbestiga namin ngayon.

"Bakit kaya walang anumang impormasyon ang makuha nating tungkol sa batang ito? Kahit na kapamilya nito ay wala tayong makalap" kuryos na tanong ni Gomez 

"Malalaman lang natin ang sagot sa katanungan mo na yan pagdating nati sa paarala na pupuntahan natin" wika ko at nagpatuloy ang pagmaneho ko. 

-*-

Makalipas ang isang oras ay nakarating na kami sa paaralan na tinutukoy namin, agad naman kami pinapasok ng gwardya ng malaman niyang mga pulis kami at may gusto lang interviewhin tungkol sa isang estudyante nila dito, itinuro naman nila kung nasaan ang Highschool dept. dito at doon na kami dumeritso ni Klyne. 

Kumatok ako ng tatlong beses sa opisina nang kanilang Principal dito at agad naman binuksan. 

"Anong kailangan natin?" tanong ng Principal

"Galing po kami sa Pnp station, at may nais lang po kaming tanungin tungkol sa isang estudyante niyo dito mga nakaraang tatlong taon na.." wika ko saka ko pinakita yung ID nung binata. 

"Lovis Medrano?... hindi pamilyar sa akin ang batang ito kasi kakaupo ko lang sa pwesto ko ngayon---pero tatanungin natin ang kanyang naging adviser dati. Hali kayo sumunod kayo at dadalhin ko kayo sa kanya" wika ng Principal

Agad naman namin sya sinundan ni Gomez at umakyat pa kami sa ikalawang palapag at pangapat na classroom at hinintuan namin, tinawag naman nung Principal yung adviser na tinutukoy niya at sinabi ang nais namin. Agad naman sya humingi ng paumanhin sa mga estudyante niya at sinabing may gagawin lang sya at nagbigay lamang ito ng gawain sa mga alaga niya saka kami nagusap sa may corridor. 

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now