ICSYD #11 - I can see Death

293 29 2
                                    

Nyx

Flashback

Nasa opisina ako ngayon at pilit na tinatapos yung mga pending reports namin, habang ginagawa ko yun ay iba ang tumatakbo sa isipan ko, tungkol sa kung kaninong katawan ang nakita sa loob ng water tank.

Lumabas naman si Chief, nalaman niya din ang pagalis nung kaso na yun sa amin, at ikinagalit rin niya ito.

"May natanggap akong balita mula sa kabilang Division, tungkol ito sa bangkay na nakita sa loob ng water tank, sinabi nila na... Mula kay Bethany Conchita nga ang katawan nito, ayon sa biopsy may nakitang hiwa sa leeg nito at ng mawalan ng malay ay saka ipinasok sa water tank"  wika ni Chief

Gulat naman kaming lahat sa nabalitaan namin.

"Paano raw napunta ang katawan ng babae doon?" Tanong ni Salvador

"Wala silang maituro na suspect sa pagpatay yun ang sabi nila" wika ni Chief

"Paano'ng wala? Mamamatay ba ang biktima na yun kung walang pumatay sa kanya?Ginagawa ba nila ng tama yung trabaho nila?" Reklamo ko

"Kaya.. nakiusap ako sa Hepe nila doon na kung maari ay hayaan din kayong magimebstiga tungkol sa kasong iyon, ngunit kung ano ang malalaman niyo sa imbestigasyon niyo ay ipaalam niyo sa kanila" sabi ji Chief

Hindi naman kami nakapaniwala sa sinabi ni Chief, pumayag sila na magsagawa rin kami ng imbestigasyon?

"Paano kong malaman ito ng Directorial Staff?" Seryosong tanong ni Salvador

"Nakiusap ako na walang magrereport sa kanila tungkol sa inyo, at isa pa gagawin niyong pribado ang pagiimbestiga niyo para makasigurado tayong walang nagmamasid sa inyo" wika ni Chief

Sinimulan agad namin ang plano, napagdesisyunan namin na huwag kaming magsusuot ng uniporme namin at magdidisguise kaming lahat na parang mga normal na tao lang, inihiwalay ko din ang aming grupo. Magkasama kaming tatlo nila Suarez at Guanzon, saka si Gomez at Salvador ang magkasama.

Kami ang pupunta sa kapatid nung babae, para ipaalam sa kanya ang nangyari at natagpuan na ang kanyang kapatid. Pero hindi lang iyon ang gusto kong malaman sa kanya. Gusto ko malaman ang totoo kung kelan nawala ang kapatid niya medyo may mali kasi sa sinabi niya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan sa pamamahay nung babae. Binuksan naman niya ito at ng makita namin ito ay namumugto ang mga mata nito. Alam na siguro niya ang nangyari sa kapatid niya.

"Ma'am ikinalulung--"

"Oo alam ko na, pero... Hindi ko matanggap kung paano nila iyon ginawa sa kapatid ko! Sinong pumatay sa kanya! Wala silang awa! " Iyak nung babae, inalalayan naman ito ni Suarez

"Mawalang galang na din po Ma'am ngunit may kailangan pa akong itanong mula sa inyo, kung maari" ako

Pumayag nama sya at pinaupo niya kami doon sa may balkonahe nila.

"Nagkita sila ni Megan? Pero bakit hindi sya nagpakita sa akin?" Wika nya

"Saka... Wala po kaming nakita sa cctv footage sa paguusap niyong dalawa sa Hotel na iyon" wika ko

"So! Anong pinapahiwatig mo? Na nagsisinungaling ako? Na ako ang pumatay sa kapatid ko?!" Galit niyang sabi

"Wala po kaming sinabi na ganyan Ma'am, ang gusto lang namin ay sabihin niyo sa akin ang totoo" wika ko

Pinaalis naman niya kami doon sa pamamahay niya,di namin natapos yung interview namin sa babaeng iyon. Bumalik nalang kami sa opisina upang hintayin sina Gomez.

Habang nag-aantay ay may biglang pumasok sa opisina namin na lalaki, malungkot din ang mukha nito, kaya agad naming pinansin ang lalaking iyon.

"Sir ano pong maitutulong namin sa inyo"

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now