ICYSD #7 - Different Stories

375 34 10
                                    

Rhiona

"Okay, everyone, proceed to the laboratory room and make sure you're dressed in your labgowns before entering." wika ni Sir Dela Cruz, sya yung instructor namin sa Biochemistry na subject namin.

Nagsipunta naman kaming lahat sa laboratory room at sinuot namin sa harap ng locker yung labgown namin saka isa isa kaming pumasok sa loob, sumalubong sa amin ang ibat-ibang mga instruments saka mga chemicals.

Pumasok naman si Sir Dela Cruz, saka siya nagdiscuss ng gagawin namin dito, hinati naman kami sa limang grupo, magkasama naman kami ni Megan habang si Lei ay nandun sa ibang grupo, kasama ko din pala tung si messy guy, bihira ko lang sya naririnig na magsalita.

"So sinong magiging leader natin?" Tanong ni Megan

Umiwas naman ako ng tingin sa kanila ng tumitig silang lahat sa pwesto ko.

"Ako na" wika nung lalaki, malalim pala boses niya

"Oh very good! Nagpresenta ka! So si Rhia yung assistant leader saka ako yung sexytary niyo"wika ni Megan

Sinulat naman ni Megan yung mga names namin sa 1/4 na papel.

"Anong pangalan mo?" Turo niya don sa lalaki

"Lucien Muñoz" wika niya, napatigil naman si Megan sa pagsusulat

"Ganda ng pangalan ah" wika nito, napangiwi namn ako sa sinabi niya, walang hiya talaga tong isang to ei.

Binigay naman sa amin ni Sir iyong sheet ng procedure na pageexperimentuhan namin, kinuha naman ni Lucien at yung kasama niyang lalaki yung mga instruments na kakailanganin namin para sa procedure habang ako at si Megan ay binabasa yung procedure.

"Langya, ako nalang yung maglagay ng mga chemicals sa mga glass tubes, hindi ako marunong mag conclude" sabi niya

"Langya ka din, pareho lang tayo bahala na yung leader magconclude sa trabaho natin, ikaw naman yung tagasulat" wika ko

Nang makarating na sila ay sinamahan naman ako ni Megan dala yung papel, nilagyan namin ng chemicals iyong mga glass tubes ayon sa procedure na nandoon.

"Class, please be careful when handling the chemicals; they have different reactions when they come into contact with your skin, and please put the caps on their designated bottles; do not put them randomly because some chemicals can cause strong reactions that can harm everyone here." sabi ni Sir

Bumalik naman kami ni Megan doon sa mga kagrupo namin, at unti unti naming sinusunod yung nasa procedure, habang si Lucien ay pinapanuod lang yung ginagawa namin at nag oobserba sa mga reactions ng experiments namin.Nang matapos namin lahat ng procedure na nasa papel ay hinintay nalang namin yung tamang output sa experiments namin.

Lumipas ang limang minuto sa paghihintay ay unti-unti na naming nakikita yung pagbabago nung mga chemicals.

"Okay na ba yan?" Tanong ni Megan

"Mm... We can start answering the questions and make our conclusions" sabi niya

"Lahat ba tayo sasagot?" Tanong ni Megan

"You"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Your the one will answers these questions, ako na bahala sa conclusions" sabi niya

Ano daw? Ako?

Tiningnan ko naman yung questionnaire, A to E gago!

"Can we divide it, para mas madali" suhestiyon ko

"Ikaw bahala" sagot niya, aba!! Sarap ipalaklak sa kanya tung molar solutions

Binigay ko naman sa dalawa pa naming kasama yung sasagutan buti nalang pumayag din mukhang mga matatalino din naman.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now