ICSYD#23 - Innocence

248 16 0
                                    

Nyxus Points of View

After the tragedy happen, hindi ko pinalampas ang bawat oras sa pagiimbestiga sa kaso na kinasasangkutan ng mag-asawa, hindi ko inasahan ang pangyayaring iyon ngunit nakakasiguro ako na may isang taong gumawa nung lahat nayon upang tuluyan na mawala ang mag-asawang iyon dahil muling umingay ang kasong nangyari noong nakaraang tatlong taon at sangkot ang pangalan ng kompanyang sa kaso.

Siguro ay pakana iyon ng may-ari ng kompanya para tumigil ang mga to' sa pagdawit ng kanilang pangalan.

Binalikan ko ang gusaling iyon kung saan namatay iyong magasawa, kahit bawal pasukin ay pinuntahan ko parin para isagawa iyong pagiimbestiga, alam kong may naiwan pang ebidensya ang suspek na iyon kaya mas mabuting isagawa ko ito ngayon.

Pumasok na ako sa loob at kitang-kita ko parin ang mga nasirang pader sanhi ng pagsabog, una ko pinuntahan yung lugar mismo kong saan sumabog yung dalawa. Tiningnan ko ang bawat sulok ngunit malinis na walang naiwan doon.

Sunod na pinuntahan ko ay kung saan ko mismo na engkwentro ang lalaki na iyon, kung saan kami nag-usap. Saka ko lang naalala yung sniper na sya mismo ang nagpasimuno ng gulong iyon, possible ay may sumama sa amin na di namin kilala kaya nakuha niya iyong pagkakataon na guluhin yung operasyon namin. Wala din akong nakitang kahina-hinalang bagay dito maliban sa mga camera set-ups na nandito na siya ding ginamit nung lalaki na iyon.

Paalis na sana ako sa lugar na iyon ng may napansin ako... Isang bakas ng sapatos na naiwan sa sahig at mukhang bago pa ito. Pinagkompara ko naman iyon sa akin ngunit sobrang magkaiba yung hitsura sa ilalim ng sapatos ko. Agad ko naman kinuha iyong cellphone ko saka kinunan ng litrato at sinukat ko rin ang size ng shoe print. It feels like someone was here before me.

Umakyat pa ako sa itaas kung saan ginawa nung lalaki yung paglive saka niya pinakita yung mukha nung anak nung may-ari ng kompanya. Sinubukan rin naming kunan ng pahayag yung batang iyon subalit ay inayawan kami nung mga bantay ng pamilya. Nakita ko lang doon ay ang tali at isang wheelchair na syang ginamit nung lalaki.

Aalis na sana ako sa pwesto ko ng mapansin kong may kaluskos akong narinig mula sa ibaba, dahan dahan naman ako lumapit doon upang tingnan kong anong meron sa ibaba, ng wala ako makita ay napalingon ulit ako sa kabila ng may tunog ng latang natumba mula sa baba, saka ako nagmamadaling tingnan iyon at nakita ko ang isang lalaking nakasuit at nakatakip ang buong mukha,saka mabilis na tumakbo. Shit! Sabi ko na nga ba!

Agad ako tumalon mula sa ikaapat na palapag hanggang sa ikatlo at sinundan pababa iyong lalaki, ang nakakainis pa ay wala akong dalang baril pagpunta dito. Muntik ko na sana siyang maabot ng bigla niyang hinarang sa akin iyong mesa na nandoon sa gilid niya saka siya tumalon dito at makalayo.

"Fuck!" Sigaw ko

Alam kong iyong lalaki na iyon ay isa sa mga tauhan ng La Vien Dór, marahil ay hinanap rin niya ang naiwang ebidensya niya o ng kasama niya.

"Gomez, nagkaingkwentro ko ang isq sa mga suspek ngayon ngunit nakatakas mula sa'kin" sabi ko sa telepono

["Tinawagan mo sana kami? Teka... Saan ka ba ngayon?" tanong ni Gomez

"Nandito ako sa gusaling iyon" ako

["Ba't ka pumunta diyan eh alam mo namang pinagbawal pa diba?"] Wika niya sa kabilang linya

Paalis na sana ako sa pwesto ko kanina ng may naapakan akong isang metal na bagay na gumulong sa sahig, ng tingnan ko ay saka ko lang nalaman na isa pala itong ballpen malapit sa mesa na hinarang sa akin nung lalaking iyon kanina.

Lumuhod ako upang kunin ito, at biglang naningkit ang mga mata ko ng mamukhaan ko king sino ang may ari ng ballpen na ito

***

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now