ICSYD #36 - "The Party"

267 14 0
                                    

A/N: It contains 4k plus words! Enjoy reading!

Nyxus

Pagkadating ko sa opisina ay agad ako sinalubong ni Salvador, sinalubong ko naman siya na may ngiti sa labi ko na ipinagtaka naman niya.

"Anong meron sa ngiti na yan ha?" tanong niya

Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay kinuha ko yung cellphone ko at nagpunta sa gallery, saka ko pinakita sa kanya yung nakuha kong litrato kanina.

"Anong nangyari kay Gomez dito?" tanong niya ulit

"May babae kanina na ininterview namin na sa palagay ko ay interesado kay Klyne tapos-" hindi ko mapigilang humalakhak dahil sa naalala ko yung epic na mukha ni Gomez "Nilapitan siya nitong babae nato at hinalikan sa pisngi, kaya naging ganyan ang reaksyon niya" wika ko

"Hanep talaga! May nagkakainterest din pala kay Klyne! Bihira nga naman oh baka maunahan pa ako nito ni Klyne magkakajowa" wika niya

Si Klyne kasi siya yung tipo ng lalaki na seryoso palagi yung mukha, medyo ilag sa babae rin palaging umiiwas kapag may lumalapit sa kanya, minsan nga naiisip namin kung bakla ba to si Klyne kaso nakita namin isang beses na nanunuod ng porno kaya nawala yung pagdududa namin. Medyo mahinhin kasi si Klyne, pero pagdating sa trabaho yung pagiging feminin type niya na lalaki ay nawawala.

Nalipat naman ang atensyon namin sa pagbukas ng glass door sa opisina namin at nakita namin dito si Klyne na kakapasok, hindi maiguhit yung mukha dahil siguro sa frustation na nangayri kanina. Sobrang priceless talaga ng mukha ni Klyne.

"Yah! Pcpt. Nyxus Villanueva! Idelete mo yung litrato na yun o I will punish you a 100 push ups!" pagbabanta niya sa akin, sa aming team kasi siya yung nakaassign na gumawa ng parusa sa amin kaya wala akong nagawa kaya binigay sa kanya yung cellphone ko at idinelte nga niya yung litrato niya doon.

"Pumunta ka sa party na sinasabi nung babae na yon, importante yung impormasyon na makukuha natin mula sa babaeng iyon" wika ko

"Bakit ba kasi ako yung kailangan pang pumunta doon! Ikaw nalang kaya may kakilala ka naman sa kanila!" badtrip na sabi niya

"Eh ikaw yung niyaya nung babaeng yon! Sige na Gomez para mairesolba na natin tung kasong to, as your team captain you should follow my order!" ginamit ko yung ma-awtoridad na boses ko upang malaman niya na seryoso ako, kaso ang gago na Salvador ay tumawa kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"You should come with me" wika niya, napaawang naman ang labi ko dahil sa sinabi niya

"At dinamay mo pa ako" ako

"Hindi ako pupunta 'pag di mo ko sasamahan" wika niya

"Sasama din ako parang madaming foods sa party na yan ei" wika naman ni Salvador na puro pagkain ang nasa isip

"May gagawin pa kayong search operation, kaya di ka makakasama" wika ni Gomez sa kanya

"Ah tama nga pala, magbring-home nalang kayo para sa akin" wika pa niya

"Kapal talaga ng mukha mo Salvador" wika ko

"Hindi naman" depensa pa niya

"Basta! sasama ka sa akin Villanueva!" paninigurado ni Gomez saka siya umupo doon sa pwesto niya

Biglang dumaan sa isip ko kung pupunta ako sa party na iyon? Nandon rin kaya si Rhia--oh crap! Why are you thinking of her right now Nyx! nababaliw ka na.

Rhiona's Point of View

Nang matapos na yung last subject namin ngayong umaga, ay inayos ko naman yung mga gamit ko na nasa mesa ko at nilagay ko sa bag, tumayo na ako at ikinawit sa dalawang balikat ko yung strap ng bag, bigla naman akong napatigil ng mahagip ng mata ko ang blangkong upuan ni Lauren, tatlong araw na ang nakalipas simula mangyari yung insidente na iyon ng hindi na nagpaparamdam si Lauren.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now