ICSYD #13- "The Unknown Caller"

305 22 0
                                    

Nyx

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatitig ako ngayon sa web map na nasa wall ko, tinitigan ko ito habang naka-connect the dots ang mga mukha ng mga pinatay ng serial killer na ito at halos ito ay sya ang main point ng nasa web map ko, paano kaya niya nagagawa ang mga ito, may sumusuporta kaya sa serial killer na ito?

Tungkol sa nangyari sa magkapatid ay, hindi mismo si Beatrice ang pumatay sa kapatid niya kundi ang killer na ito mismo, naging magkasangga umano'y ang dalawang ito sa pagpatay kay Bethany, si Beatrice mismo ang bumura sa copy ng cctv footage sa loob ng elevator, at nagsinungaling din ito sa sinabing pagkawala ng kapatid niya. Nangyari ang krimen na iyon matapos mismong magusap ni Megan at ni Bethany, napunta ang katawan ni Bethany sa water tank dahil pinagtulungan nila itong hakwatin papunta sa rooftop at kinuha iyong susi doon, saka inakyat nila sa water tank at doon pinabulok ang bangkay nito.

Wala namang ibang naging reklamo ang mga kliyente sa nangyari dahil nilock ito ng mga suspek ang water tank upang hindi magamit nung mga customer dito. Nung pagbalik lamang ng tagahawak nitong susi ng water muli nagamit ito at saka doon na nagreklamo ang mga customer sa pagibang kulay at sa malansang amoy nito.

Ngayon napaisip ako kung bakit nakayang gawin iyon ng serial killer, napagalaman din namin na yung nahuli namin sa hostage taking na sya ang pumatay kay Faye, ay utusan lang pala iyon ng tunay na killer. Naglagay pa ako ng isang unidentified person sa itaas ng serial killer, possible talaga na may sumusuporta sa killer na ito, hindi niya nagagawa ito na magisa lang.

***

Lumabas muna ako sa kwarto at pumunta sa kusina upang uminom ng malamig na tubig, nakasalubong ko yung kapatid ko at hindi kami nagpansinan. Tatlong araw na kaming ganito, hindi rin ako nabobother na makipagbati sa kanya, lalo't na magkapatid lang kami nito sa ama.

Tungkol naman sa nalaman ko kay Rhia , ayaw talaga pumasok sa isip ko ang sinabi niya, ngayon lang ako may nakakasalamuha na may gano'ng abilidad. Pero napapaisip rin ako na sa tuwing may nangyayaring krimen ay nandon din sya, kaya parang gusto ko ding maniwala sa kanya.

Napadaan ako sa opisina ng matandang iyon, at may nag-udyok sa akin na maghalungkat doon sa mga gamit niya. Bago ako pumasok doon ay pinagmasdan ko muna ang paligid kong wal bang nagmamasid, hindi parin kasi nakarecover yung matanda, buong akala ko ay nagdadrama na naman yun pero totoo palang inataki.

Nang mapansin ko na walang nagbabantay ay saka na ako pumasok sa opisina niya at binuksan iyong cabinet niya, isa-isa ko tiningnan yung mga folders na nakadisplay doon sa drawer niya, wala naman akong masyadong nakita na importante hanggang sa may makita akong isang profile document ng isang police din na nakatago sa pinakailalim ng mga naka pile na folder hinablot ko ito at tiningnan.

"Chief Director Rylan Peralta?" basa ko sa pangalan na nandon sa papel

Itinago ko naman ang papel na iyon saka ako bumalik muli sa kwarto ko at binuksan ang aking laptop, nilagay ko sa search bar ang pangalan na iyon , walang ibang lumabas kundi ang impormasyon nya at nalagay doon ang litrato ng pamilya niya, saka ko nakita ang mukha ni Rhia sa litrato na ito...

Ama nya si Rylan Peralta?

Ano kaya ang ginagawa nito sa loob ng drawer ng matandang ito?Kilala ba niya ito? At bakit di ko na naririnig ang pangalan nang lalaking ito sa Directorial Staff?

Isang tao lang ang maaring makakasagot sa mga katanungan ko.

***

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now