ICSYD #34 - Forgive

279 13 0
                                    

A/N: THIS IS A LONG UPDATE BEFORE I GO BACK TO MY INACTIVE PHASE DUE TO MY OJT. I'LL BE BACK AFTER TWO WEEKS, I DUNNO :)

BUT I AM SURE THAT IT'S NOT TOO LONGER :)

Rhiona

Mag-aalas sais na ng gabi hinihintay ko si Nyxus dito sa dating coffee shop na pinupuntahan namin, sinabihan ko nman siya na dito kami ulit magkikita ngunit kalahating oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya dumadating.

Nag-alala naman ako sa kalagayan ni Lei, hindi ko siya nagawang bisitahin dahil hindi daw tumatanggap ng bisita ayon sa Daddy niya, sinubukan kasi nina Ivory na dalawin si Lei ngunit hindi sila pinapasok.

Sana naman ay hindi mangyari yong nakita ko mula kay Lei. Alam kong tama yung hinala ko na hindi magagawa iyon ni Lei unless kong talagang sinadya niyang gawin iyon na siraan ako. Di ko yon matatanggap sa totoo lang dahil naturingan ko din naman siyang kaibigan.

Napalingon ako sa pagbukas nung glass door sa coffee shop at napatayo ako ng makita ko si Nyxus dito suot ang kanyang puting damit sa loob at itim na leather jacket, nakaayos din ang buhok nito at presentable na nakaayos ang lalaking ito.

Di naman ipagkakaila kong talagang mababaliw si Shanaia sa kanya dahil may taglay na kagwapuhan din naman si Nyxus, maganda din ang tindig ng katawan nito saka mukhang mabait din nman si Nyxus at may paninindigan rin.

"Kanina ka pa ba naghihintay dito? Pasensya na dahil marami akong isinasikaso kanina eh" pagpaumanhin niya

"Hindi ayos lang, ano pala yung paguusapan natin ngayon?" Ako

Bago niya sagutin iyong tanong ko ay tumawag muna siya ng waiter saka kami binigyan ng menu. Ice coffe lang naman yung inorder ko kasi di pa anamn ako ganon kagutom.

Sinimulan namin iyong paguusapan namin ngayon sa pag-alis nung waiter.

"Nakausap ko yung reporter tungkol sa case ng La Vien Dór Models, at nasabi nito sa akin ang tungkol sa video na hawak ng papa mo dati, may alam ka ba tungkol dito?" Tanong niya

"Video? Ano bang laman nito?" Tanong ko

"Ang video na iyon ay naglalaman mismo ng pagkuha ng isang binata sa panghahalay doon sa mga modelo na iyon at marami mula dito ang sangkot sa pangagahasa" paliwanag ni Nyxus

"Saka ayon kay Shan... Nung habulin ito ng mga tauhan ng kriminal na iyon ay natagpuan na itong patay sa isang bangin at wala na roon ang video na hawak ng binata. " Patuloy niya

"Kung si Papa nga ang may hawak sa video na iyon? pa'ano napunta ito kay Papa?" Tanong ko rin na ikinatahimik namin ngayon

"Yan din ang tanong na nasa utak ko ngayon, saka dagdag pa nung reporter , may isang kasamahan niya sa trabaho ang tumatraydor sa kanya, may nakita ka bang nakaalitan ng iyong Papa mo dati?" Tanong niya ulit

"Hindi kasi ako nakikialam dati sa trabaho ni Papa eh, ang tanging nagagawa ko lang ay tingnan yung mga nagbabanta sa buhay niya... Bago siya namatay nakita ko mismo yung palatandaan ng pumatay sa kanya, may tattoo itong paro-paro sa kamay mismo" kwento ko

"Saka nong nahanap natin si Shanaia, doon ko mismo nakita ang lalaki na yon na pumatay sa Papa ko at siya rin diba yung lalaki na sumet-up sayo diba bago natin nakuha iyong witness natin?" Ako

"Oo ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nahuli nila Chief dahil meron agad rumescue sa lalaking iyon" Nyxus

"Ang dapat gawin natin ngayon ay mahuli ang lalaking iyon, at malalaman natin yung kasagutan sa tanong natin kung nasaan nga ang video na iyan dahil sa naalala ko ay, nawala ito matapos patayin si...Papa" ako

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now