ICSYD #27 - " Set- up"

220 16 2
                                    

Rhiona

Napagusapan namin ngayon ang tungkol sa insidente na iyon na pinagbibintangan nilang ninawkaw ni Megan iyong answer key ng exam namin ngayon, denipensahan naman namin si Megan na hindi niya magagawa iyon lalo't na yung isinangkot kaming tatlo, napagalaman din namin kung sino ang nagsabi sa Dean namin ang tungkol doon, walang iiba kundi si Tiffany, yung babae na nakasama ko sa loob ng elevator noon at may gusto rin kay Lucien.

It's so weird kung paano niya nalaman ang bagay na iyon, where in fact, she was not part of our program. Yung palusot niya ay ng mapadaan daw siya doon sa office ng dean ay nakita niya si Megan na pumasok doon at nagmamadaling umalis, pagkatapos ay ng marinig niya ang tungkol sa nawawalang answer key ay agad niya isinumbong sa Dean namin yung hinala niya. I cannot believe how did she make up this story, we know Megan and I know she is smart too, kaya its too impossible na gagawin niya iyon.

Napagdesisyunan ng Program namin na isuspend muna si Megan at hindi sya allowed na makapagtake ng exam kasama kami this serve as our punishment , pero hindi makatarungan dahil wala silang sapat na ebidensya para masabi nilang ninakaw nga ni Megan iyon.

"Ma'am please... Maniwala kayo sa akin, hindi ko po magagawa iyon, lalo na kaming magkaibigan, hindi po namin ugaling magcheat sa exam" wika ni Megan

"Walang kaming magagawa Ms. Smith may nakapagturo mismo sayo na ikaw mismo ang gumawa nun, at nakita namin mismo iyon sa ilalim ng desk mo" wika ni Dean

"What if Ma'am kung meron palang sumet-up sa kanya? We should not conclude already just because of what we saw and what we heard from others" wika ko

"Ms. Peralta, I know you just defending your friend, at hindi maganda sa isang kaibigan ang kinokonsente ang mali na ginawa niya" wika ni Dean

"Hindi sa kinokonsente ko yung kaibigan ko Ma'am, I know her, and she is smart enough to do these things such as cheating" wika ko na ikinatahimik naman ni Dean. They really know it how smart Megan is...

"At Ma'am sinisigurado po namin na nagreview talaga kami straight one week, kaya impossible po talaga na nanakawin namin iyong answer key po" wika ni Ivory

"Oo nga po Ma'am, eh kahit nga na nasa hospital po kami ng mga kaibigan ko non ay nagawa pa po naming magreview" wika naman ni Lei

"Mga iha, kahit ano pang depensa niyo sa sarili niyo, it's very clear to us na nilabag niyo ang rules natin, you should face the consequence" wika ni Dean

It so unfair... hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko, para kasing buo na ang desisyon ni Dean sa sinabi niya at wala na kaming magagawa pa kundi harapin nga namin ang parusa, but... it is so wrong, I should really need to find out who is the real culprit.

Lumabas na kami sa opisinang iyon at hindi na kami nakabalik ulit sa classroom naisipan naman nilang tatlo na tumambay muna sa cafeteria, pero hindi muna ako sumabay sa kanila, nagiisip ako ng paraan kung paano namin mareresolba ang problema namin ngayon, gusto kong maghanap ng paraan upang matulungan si Megan na linisin iyong pangalan niya.

Nandito ako ngayon sa rooftop nakatingin sa kawalan, laking gulat ko naman na biglang sumulpot si Lucien dito mismo sa kinatatayuan ko.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko

"Kararating ko lang, kamusta yung paguusap niyo ni Dean?" tanong niya

"Ayon suspended kaming lahat" sagot ko

"Naniwala sila na ginawa niyo iyon?" Lucien

"Yun nga ang hindi ko inakala ei, alam naman nung instructor natin kung gaano ka talino ni Megan para gawin niya iyon, tapos ay nadamay pa kami" wika ko, naiinis ako sa part na idinawit ni Lauren pati yung pangalan namin porke't ay magkaibigan kaming tatlo.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now