ICSYD #17- "Meet the killer"

268 15 0
                                    

Rhia

3 years ago...

Nagmamadali akong iligpit yung buhok ko dahil kanina pa nag-aantay si Papa sa akin sa baba, masyadong late na kasi ako nagising at di ko na makuhang magalmusal pa, mabilis kong tinakbo iyong hagdanan pababa sa may sala ng bigla akong nadulas sa sariling ko paa, buti nalang nasalo ako ni Papa ngunit...

Isang kagimbal- gimbal na pangyayari ang nakita ko sa kanya ng mahawakan niya ako.

"Anak ayos ka lang ba?" tanong ni Papa

"O-opo" sagot ko

"Hintayin mo lang ako don sa labas, may kukunin lang ako sa itaas" wika niya saka ko naman sinunod yung sinabi niya.

Base sa nakita ko ay habang tumatakbo si Papa sa isang madilim na lugar, hindi ko masyado madiskruba yong lokasyon, umuulan ng gabi na iyon at may humahabol kay Papa, habang bitbit iyong kahon at hawak niya sa isang kamay yung babae na hindi ko nakita yung mukha, kasunod na nangyari ay biglang binaril nito si Papa sa may bandang dibdib nito. Agad na naputol iyong nakita ko sa kanya. Sa lahat na nakikita ko kay Papa na masamang nangyayari sa kanya ay parang pakiramdam ko ay mas natatakot ako sa nakita ko ngayon.

Habang nagmamaneho si Papa gamit yung kotse niya papunta sa paaralan na pinapasukan ko, tahimik lang kami dalawa, gusto ko na sabihin sa kanya iyong nakita ko ngunit natatakot ako.

"Rhia, baka di kita masundo mamaya kumuha ka nalang ng taxi" tumango naman ako, pero bago pa sya umalis ay nagsalita agad ako

" Pa, uuwi ka naman po ng maaga diba?" tanong ko

"Sure anak, bakit may gusto ka bang sabihin?" Papa, nagdadalawa yung isip ko na sabihin sa kanya yung totoo

"Wala po Pa" tanging nasabi ko

Nagsimula iyong klase ko pero wala akong naiintindihan buong araw, dahil ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko ay yung nakita ko kay Papa. Hindi ako mapakali, dapat siguro na sinabi ko nalang iyon kay Papa.

"Ma'am" tawag ko sa guro namin habang nakataas iyong kamay

"Bakit Ms. Peralta?" tanong niya

"Can I excuse myself for a minute?" wika ko

" Okay sure" wika nung teacher namin saka ako lumabas sa silid

Hinanap ko sa contact list yung number ni Papa sa cellphone ko at kinontak ito, pero nakailang ring ay hindi parin sumasagot si Papa.

Hanggang sa natapos yung klase at katulad nung sinabi niya ay kumuha na lang ako ng taxi pauwi sa bahay namin. Nang makarating na ako ay nakasalubong ko si Mama na nanunuod ng balita sa TV kasama yung mga kapatid ko. Diretso lang ako pumasok sa loob dahil wala din naman silang pake kung dumating na ako.

"Ate" wika ni Reese, maliban sa kanya ay sya lang yung kumakausap sa akin at si Papa

" Mmm" ako

" Nakita ko kanina na nahawakan ka ni Papa kanina, nakita mo ba kung paano sya namatay?" nagulat naman ako sa tanong niya

"Ano'ng klaseng tanong yan Reese?" ako

"Sige na Ate sabihin mo na sa akin" pamimilit niya

"Oo" ako

Nagulat naman kami pareho sa biglang pagsulpot ni Mama

"Ano, nakita mong paano mamatay yung Papa mo?" sabi niya sa akin

"Ma.. ganito po kasi yun–"

*Slap

"Diba sinabi ko na sayo na huwag kang lalapit sa asawa ko, o kahit na sa mga kapatid mo! Bakit ba ang tigas ng ulo mo!"

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now