ICSYD #9- "Quarrel"

313 27 0
                                    

Nyx

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang nagaahit ng balbas ko, medyo tumutubo na kasi sila at ayaw kong makita yung balbas sa napakagwapo kong mukha. Hindi lang ako komportable doon.

Nagaapply ako ng cream saka naghilamos, lumabas na ako sa banyo ko at nakasalubong ko yung kapatid ko na nagmamadaling  bumaba sa hagdan. Naalala ko yung pinagawa ko sa kanya, kaya tinawag ko ito.

"Lei"tawag ko sa kanya

"Ano po yun kuya?" Sya

"Kamusta yung pinagawa ko sayo?" Ako

"Ahh... Hehehe wala akong nakuhang impormasyon sa kanya ei, maliban sa sinabi niyang nakatae daw sya sa panty nung elementary" ako

"Hindi yang impormasyon ang gusto kong malaman" ako

"Dibale sa susunod hahanap akong magandang timing" sabi niya "Alis na ako kuya" pagpaalam niya

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko, bigla namang may tumawag sa cellphone ko si Gomez.

"Oh, papunta na ako"

"[Pre may problema tayo,sasabihin ko nalang sayo pagdating mo dito sa opisina, bilisan mo]" Gomez

"Sige papunta na ako" wika ko at nagmamadali akong suotin yung dami at kinuha yung susi ng sasakyan sa drawer ko at bumaba na, agad ko namang pinatakbo yung kotse.

Nang makarating ako sa opisina ay may nakita kaming ibang grupo din ng mga police sa opisina namin at nagmula sila sa ibang department

"Bakit anong meron dito?"tanong ko sa kanila

"Ikaw ba si Police Cpt. Villanueva?" Tanong nung leader sa kanila

"Ako nga bakit?" Ako

"We are came from the different division under PPCI, I am Police Cpt. Surseula, may utos galing sa Director na, ililipat sa aming Division ang pagiimbestiga sa pagkawala ni Bethany Conchita, at pinapakansela sa inyo ang paghawak sa kasong ito, kung may katanungan kayo ay pwede niyo makausap ang Director" wika nung Pcpt. Surseula

Kung mas tutuusin may mas karapatan kami sa  task na iyan kasi nasa CIU department kami, bakit naman naisipan ng Director na ililipat sa Division na ito ang imbestigasyon na to?

"Okay, kakausapin ko mamaya ang Director" ako

Umalis naman ang grupo na yon saka pabagsak ako na nakaupo sa swivel chair ko, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan ilipat ang pagiimbestiga na iyon, alam na ba to ni Chief Insp. Funtales

"Kailangan kong makausap ang Chief ng Directorial Staff, aalamin ko kung bakit nilipat nila iyong imbestigasyon natin sa kabila" wika ko

Hindi naman ako mahihirapang kausapin ang Chief ng Directorial Staff kilala ko naman kung sino siya...

"For sure may kinalaman ito sa nakaraang kaso ng La Vien Dór Company" Gomez

"Bakit kaya ganun no?Binabayaran ba yung Chief ng Directorial Staff para kaya nilang imanipula iyong imbestigasyon na iyon?"Salvador

"Kung hindi man sigurado akong magkasabwat sila nung may-ari ng La Vien Dór" wika nung isa naming kasamahan

"Pero bakit kaya pinoprotektahan nung La Vien Dór yung kompanya nila?"tanong ni Salvador

"Malamang, Salvador babagsak yung kompanya nila mababankrupt sila, kaya nila ito pinoprotektahan kasi bababa yung mga stockholders nila" wik ni Gomez

Ang La Vien Dór Company ang may pinakamataas na ranking sa mga kompanya dito sa Pilipinas, in terms of clothing,bag at iba pang produkto na pinoproduce nila gamit ang pangalan ng kompanya. Kahit sa ibang bansa din ay napapabilang sa top 5 ang rank ng kompanya nila at marami itong branches.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now