ICSYD #29 - History Repeat Itself

223 17 0
                                    

Rhiona

Matapos akong ihatid ni Nyx sa apartment na tinutuluyan ko ay agad ko ibinagsak yung sarili ko sa kama ko at nakatitig sa kisame, nakakapagod naman tong araw na to, ang daming nangyari... mula sa pagkakasuspende namin sa school at sa exam sinamahan pa ng naengkwentro kong pangyayari kanina. Inisip ko talaga na katapusan na iyon ni Nyx ngunit buti nalang ay bumalik pa yung malay ni Klyne, yung kasamahan ni Nyx sa trabaho niya. Inutusan niya akong idistruct yung mga tao don sa loob naging matagumpay naman yung naiplano niya na inakala ko rin ay huling hinga ko na yon.

Naisipan ko naman na buksan iyong cellphone ko at sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko sa groupchat namin.

*Groupchat*

Lei: Totoo ba pinapatawag ulit tayo sa Dean's office?

Ivory: Yun ang sinabi sa akin ni Gio eh

Megan: Hayst sana naman nagbago yung desisyon nila ano...

Ivory: Magtiwala ka lang siz, makakapagtake tayong ng exam :)

Lei : Wait nasan ba si Rhia? alam na ba niya ang tungkol dito?

Ivory: Mababasa rin naman ya to, baka tulog pa

Ano kaya ang nag-aabang sa amin na balita bukas. Kung ano man yon ay sana magandang balita na naman, sawa na ako masasamang balita na natatanggap ko.

Isasara ko na sana itong messenger ko ng biglang nahagip ng mga mata ko ang mensahe sa akin ni Lucien kaya binuksan ko na rin ito.

"Nahanap ko na kung sinong gumawa non, meet me at the rooftop at 7:30 am, tomorrow" sabi niya

Ewan pero nakangiti ako na parang tanga sa nabasa kong mensahe, kung sino man itong naglagay sa amin sa kahihiyan ay nakakasigurado akong pagbabayaran niya iyong pamamahiya sa aming magkaibigan.

Kinabukasan...

Ayon nga sa napagusapan namin ni Lucien ay nakipagkita nga ako sa kanya sa rooftop, mga tatlong minuto pa ang hinintay ko bago siya dumating sa pinagusapan namin, habang pinagmasdan ko siyang palapit sa akin ay di ko maiwasang matulala sa kanya. I feel so strange towards myself everytime when he is near to me.

Nabalik ako sa ulirat ko ng bigla niyang pinokpok ng mahina yung noo ko gamit nung buko ng kamay niya.

"Aray" ani ko sabay hawak sa noo ko, kahit mahina yun may impact din naman.

"You're stunned in front of me again" he said, napamaang naman ako ng mapansin niya iyon.Nakakahiya.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" pagiba ko sa usapan, bago pa niya ako kausapin ay umupo muna siya dito sa isang armchair na nailagay dito sa rooftop.

"Nakausap ko yung babaeng tinutukoy mo sa akin" Lucien

"Si Tiffany ba?" ako

"Yeah that was her name, napaamin ko naman siya na hindi talaga siya sigurado na si Megan pala yung nakita niyang lumabas doon sa dean's office, she only said that because someone told her to do so" wika ni Lucien

Sabi ko na nga ba ei na may mag-uutos talaga, there was only one person who is in my mind right now, but I don't want to formulate my conclusion without any strong evidences.

"Sinabi ba niya kung sino 'to?" tanong ko

"Hindi rin, pero ginawa ko ang lahat upang malaman kung sino man iyong kumuha talaga sa answer key at ilagay mismo doon ilalim ng desk niyo" wika niya

"Who is that? Nakita mo ba?" ako

"Nung una hindi klaro sa akin kung sino yung babae na yon nung panuorin namin ang cctv, not until I notice this handkerchief na nahulog sa sahig nung nagtangka siyang lumabas na sa opisinang iyon" wika niya saka niya pinakita sa akin yung litrato kung saan nahulog nga nung babae yung handkerchief niya.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now