ICSYD #26- Mystery box

222 14 0
                                    

Nyxus

Kakauwi ko lang sa pamamahay namin at tanging yung driver lang namin ang nakasalubong ko papasok sa gate.

"Oh Manong bakit wala si Lei?" tanong ko

"Ay nagpaiwan doon sa hospital iho"

"Bakit po?" takang tanong ko

"Itinakbo kasi namin sa hospital iyong kaibigan niya, bigla kasing nahimatay matapos tulungan niya yung bata sa pagtawid" wika naman ni Manong, napaisip naman ako kung sino sa kanila, at kung sa pagtulong sa bata ang pinagusapan

"May nangyari po ba sa bata?" tanong ko

"Ay oo, muntik na itong mamatay kanina ng mabulunan sa kinakain nito lollipop mabuti nalang ay may dumating rin na kaklase nila tinulungan iyong bata, kaya ayon nakaligtas pa" wika ni Manong

"Sino ba sa kanilang apat yung nahimatay at bakit raw?" tanong ko ulit

"Yung tahimik sa kanila, yung medyo hanggang balikat yung buhok saka malalim yung mata" wika ni Manong

Tama nga ang iniisip ko, si Rhia nga, mahigit tatlong araw na kaming hindi nakapagusap matapos mangyari yung trahedya na iyon, wala din akong mukhang ihararap sa kanya, ayaw ko na rin syang bigyan ng bigat sa ulo pa ng dahil sa pagtulong niya sa akin.

Pumasok na ako loob at agad naman ako sinalubong ni Yaya ng para bang hindi mapakali.

"Siir... pinapatawag po kayo ng Papa niyo" wika niya, napatigil naman ako, saka naisip ko na kung anong kailangan niya sa akin, tsk. Alam kong tungkol na naman ito sa ginawa ko kanina tsk.

"Sabihin mo magbibihis muna ako" wika ko

"Pero Sir, kanina pa nagagalit yung Papa mo eh, dapat na siguro ngayon mo na sya puntahan" wika ni Yaya

Galit? Tsk. Sinunod ko nalang yung sinabi ni Yaya, dumiretso ako sa opisina niya at pagpasok ko pa lang ay agad niya ako tinapunan ng vase sa harap ko, buti nalang ay agad gumana yung adrenaline ko at nakailag ako, ngunit ay natamaan parin pala yung pisngi ko at naramdaman ko ang paghapdi nito.

"Ano bang pumasok sa isip mo?!!!" sigaw niya

"Bakit ba?! Hindi ba tama yung ginawa ko! Yung malaman ng lahat na inosente yung mag-asawa na yun!" depensa ko

"Napakalaki mong tanga! Hindi mo alam kung anong pinasukan mo na gulo! Tanga!!!" sigaw niya

"Hindi ko maiintindihan kong bakit ganito ang galit mo sa tuwing may nakukuha akong impormasyon tungkol sa kompanya na iyan, siguro ay sangkot ka rin sa kasong iyon? Tama ba?" tanong ko

"Tumahimik kaaa! Ayusin mo yang pananalita mo sa harap ko Nyxus!" wika niya "Baka nakakalimutan mo may karapatan akong tanggalin ka sa pwesto mo ngayon!" pangbabanta niya

Tsk

"Umalis ka na! Umalis ka na sa harap ko! Simula ngayon wala ka nang aasahan sa akin at sa kapatid mo mula ngayon!" wika niya

Agad naman ako umalis sa opisina na iyon at naglakad pabalik sa kwarto ko saka nagbihis ng damit, agad ko hinimlay yung sarili ko sa kama at binuksan iyong cellphone ko. Tiningnan ko naman yung mga active sa messenger ko at hindi ko alam kung bakit ako nakatitig sa headchat ni Rhia, hindi naman sya active, ni hindi ko nakitang active ang status ng isang to pero napaisip ako, nakit ba niya yung video na iyon, ano kaya ang nararamdaman niya, sapat na ba na bayad iyon para mapalitan yung guilt na nararamdaman naming dalawa?

Nagulat naman ako ng bigla kong mapindot iyong call button saka ko na sana ieend kaso may biglang sumagot

"Hello?" boses ng isang lalaki

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now