ICSYD #39 - Her Secret

234 15 0
                                    


Rhia

Late na ako nagising at nagmamadali akong bumaba mula sa apartment ko at nag-aantay na may dumaan na tricycle, isang minuto pa yung hinintay ko bago ako nakasakay,at ang nakakainis pa ay ang bagal ng usad ng trapiko kulang nalang ay gusto ko nang liparin yung paaralan ko mula dito, kaso wala akong pakpak kaya di ko magagawa yon.

"Salamat po Manong" sabi ko saka inabot yung bayad

Nagmamadali akong bumaba at tumakbo ako papunta sa loob ng campus. Habang tinatahak ko yung daan papunta sa elevator ay napapansin ko ang kumpolan ng mga iilang estudyante dito sa may bulletin board, dahil sa kuryosidad ko ay lumapit din ako doon.

Paglapit ko doon sa may bulletin board ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nakasulat doon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko.

Rhia Peralta can see death. Beware

"Diba siya yun? Si Rhia Peralta" rinig kong sabi ng isang estudyante, hindi ako nakinig sa pinag-usapan nila kundi nilapitan ko iyong nakasulat sa bulletin board na iyon at pilit na binubura iyong nakasulat doon. Ngunit nagsimula silang pinagtapunan ako ng mga nakakumpol na papel at pinagbabato ito sa akin.

"You're so scary! umalis ka dito!"

"Hindi ka nararapat dito! Mangkukulam ka!

"Umalis ka sa paaralan na ito!"

Rinig ko ang pinagsasabi nila sa akin at pilit nila akong pinagtatabuyan, nakita ko rin mula sa di kalayuan ang mga kaibigan ko kasama si Lucien, nakatingin lamang sila habang ako ay pinagtatabuyan ng mga tao dito.

Kahit na naninigas iyong mga paa ko ay pilit kong ginalaw ito upang tumakbo palayo sa kanila.

"Rhia!!!" rinig kong tawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon dahil hindi ko alam kung paano sila haharapin.

Hindi ko inakala na yung kinatatakutan ko dati ay kahaharapin ko ngayon! Ano bang nagawa kong mali bakit kailangan nila itong gawin sa akin.

"Aray" ani ko ng madapa ako sa pagtatakbo ko.

Hindi ko na mapigilan yung mga nagbabadya na luha mula sa mata ko, sana ay isang panaginip lamang ang mga to! Please! Gisingin niyo ako sa bangungot na ito!

Napayakap ako sa mga tuhod ko habang ibinaon ko ang mukha ko doon at umiyak, sobrang sakit ng malaman nilang lahat yung tinatago kong sekreto, parang nanumbalik sa akin ang takot at hiya nung unang mangyari ito. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ito!

Iisa lang ang pwedeng gumawa nito sa akin, at tama nga ang hinala ko hahanap siya ng paraan upang makapaghiganti sa amin, pero di ko akalaing umabot sa ganito.

"Rhia?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses

"Please leave me alone" ako

"No, hindi ako naniniwala sa nakasulat sa bulletin board na yun Rhia"

"Totoo yun Lucien, kaya layuan mo na ako" ako

"Then I will still accept you for who you are, ganon din sila ang mga kaibigan mo, inutusan nga nila akong hanapin ka, dahil baka mapano ka" siya

Napatigil ako sa pag-iyak.

"Huwag mong pakingan ang sinasabi ng mga tao sayo, problema na nila iyon kung hindi ka nila matanggap sa kung ano ka, ang importante ay may mga tao paring tanggap ka, kami yon Rhia"

Hindi ko alam pero hindi epekto sa akin ang mga sinasabi ngayon ni Lucien, parang gusto ko ngayon na mawala na parang bula,ayaw ko muna silang harapin lalo na ang bumalik sa paaralan na iyon.

I Can See Your Death (Season 1)Where stories live. Discover now