Chapter 23

49 13 0
                                    

Graduation

I didn't know what to do that night. Hindi ko alam kung sino and pakikinggan ko. Gustong gusto kong tumakbo papunta kay Ethan, pero parang hindi pwede. Pakiramdam ko kung gagawin ko 'yon ay tatalikuran ko ang buong pamilya ko. Hindi ko kaya. Mahal ko na mahal ko si Ethan, pero no'ng gabing 'yon parang maling desisyon ang mahalin siya.

"How are you?" Tanong ni Kuya mula sa kabilang linya.

I still don't know how to answer that question.

Hindi ko alam kung kamusta ako. Ilang taon na ang lumipas, pero hindi ko pa rin alam ang isasagot kapag tinatanong ako kung kamusta ba 'ko.

Hindi ako kailanman napayapa. Tuwing gabi, palagi kong napapanaginipan kung paano namatay si Daddy. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin na kung siguro ay hindi ko na siya inaway nang gabing 'yon ay buhay pa rin siya ngayon. Hindi man sabihin sa'kin ni Mommy, ramdam kong sinisisi niya 'ko sa nangyari at hindi ko magawang magalit sakanya dahil kahit ako ay sinisisi rin ang sarili ko. Kung hindi ko pinagtanggol si Ethan, sana maayos ang lahat ngayon. Kung pinahupa ko muna ang galit naming dalawa no'n, sana masaya pa kami ngayon.

"I'm fine, Kuya. Nag-aaral ako. Bakit ka tumawag?" Pabalang kong sagot.

Hindi ko rin alam kung paano kakausapin si Kuya. Nahihiya ako sa kan'ya. Siya ang pinakamalaking naapektuhan sa nangyari. Tumigil siya sa pag-aaral para asikasuhin ang kompanya namin kahit alam kong wala siyang interes doon. Hindi ko alam kung paano, pero nabaon din kami sa utang dahil sa hospital bills ni Mommy noong mga araw na hindi pa siya nagigising, pero lahat naman ng 'yon ngayon ay bayad at maayos na. Naitaguyod kami ng Kuya nang wala kang maririnig na reklamo mula sa kan'ya.

"Stop sending me back the money I'm giving you, Av, " Mataman niyang sabi.

"May pera naman ako. Kasasahod ko lang kanina kaya-"

"I told you to stop working, Kaliyah!" Bahagyang tumaas ang boses niya, pero madali rin naman niyang nakontrol 'yon, "May pera na tayo. You don't have to work anymore!"

"Gusto kong magtrabaho. Wala rin naman akong ginagawa-"

"You're studying. Paanong wala kang ginagawa?"

"Kuya, please. I don't wanna fight. Finals namin. "

"Just please resign and accept-"

"I'm already twenty-three. Stop telling me what to do. "

"I am just worried. Mom told me you weren't sleeping so well lately! Palaging late ang uwi mo, minsan ay dumidiretso ka pa sa trabaho! Ni hindi ko nga alam kung kumakain ka pa nang maayos! You stopped giving me updates about how your day went, Av!"

"Naging busy lang. Saka ayos naman talaga ako. Magsasabi naman ako kapag kailangan ko ng tulong. "

"Ilang taon mo nang sinasabi-"

Hindi ko na siya pinatapos at binabaan na ng tawag.

Binato ko ang cellphone ko at sumandal sa upuan.

I wanna rest.

"Good morning! Nakapagreview ka?" Tanong ni Lucy nang makapasok ako ng room.

Same old every day.

"Of course. Ikaw?" Tumango siya, "Nasa cafeteria sila Arielle. Tara?"

Pagdating namin doon ay nakita ko ang mga kaibigan kong nagkukwentuhan habang nagbbreakfast. Ngumiti ako at nagpatianod sa hila niya.

"Have you eaten breakfast?" Evan asked as he pull me to sit beside him.

"Not yet. Bibili muna 'ko. "

In Between MaybesWhere stories live. Discover now