Chapter 19

198 35 4
                                    

"Condolences, " Halik sa pisngi ko ng isang kaibigan nila Daddy. 

Hindi ako sumagot at nakatulalang tumingin lang sa kabaong na nasa harap ko.

"Av, you rest-"

"I'm fine, Kuya, " Tahimik kong sagot. Bumuntong hininga siya at hinila ako palapit para sa isang yakap.

"Gising na ba si Mommy?" 

"Everything will be fine, Av," Kumalas ako sa pagkakayakap at matamang tinignan siya.

"Kamusta ang kaso?" Hindi siya sumagot. 

Sa pagkakataong 'yon, alam ko na.

"After the funeral, I want to leave the country, Kuya, " Natigilan siya.

"We can't leave Mommy-"

"We'll bring her with us. Hindi... " Humikbi ako, "Hindi ko kaya rito. "

I can't stay in a place where crimes are vindicated and injustice prevails.

"We'll talk about it-"

"Gusto kong umalis, Kuya. Sa ibang bansa natin hintayin ang paggising ni Mommy. P'wede naman 'yon, 'di ba?"

"Pa'no ang kompanya-"

"Ibenta-"

"Av, you know I can't do that, " Putol niya sa pagsasalita ko.

"What's the use of it? Wala si Daddy at Mommy. Walang maghahandle no'n. Pahihirapan lang-"

"I can manage it-"

"You're studying. Pa'no mo mahahawakan ang kompanya?"

"I'll stop-"

"Fine. Do whatever you want. Aalis kami ni Mommy. You stay here. "

"But-"

"Hindi ko kayang manatili rito, Kuya, " Seryoso kong sabi. 

Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya at saka nagpakawala ng isang malalim na paghinga.

"I'll book a flight for you and Mom. Kakausapin ko lang ang doktor kung kailan kayo p'wedeng umalis, " Tumango ako, "Susunod ako. Aayusin ko lang ang kompanya at susunod ako sa inyo.  "

"You can stay if you want-"

"Hindi ko kayo p'wedeng iwan ni Mommy, Av. We'll continue our studies abroad if that's what you want. "

"Alright. Ikaw ang bahala, " Sagot ko at umalis na sa harapan niya.

Mabilis lumipas ang mga araw. Nadatnan ko na lamang ang sarili ko sa harap ng palubog na kabaong ng Daddy. Hindi ako umiyak mula sa unang araw ng burol, hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit walang luhang gustong tumulo mula sa mga mata ko. Wala 'kong maramdaman.

"We're gonna be fine, " Bulong ni Kuya sa'kin at hinalikan ang buhok ko.

Are we?

Muli, hindi ako sumagot at pinanood lang ang tuluyang paglubog ng kabaong ng Daddy ko.

I am so sorry, Daddy.

"Aalis daw kayo?" Lapit sa'kin ni Keila bago kami tuluyang umalis sa sementeryo. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at tahimik na tumango.

"Saan kayo pupunta? Saang bansa? Kailan ang balik n'yo?" Tumulo ang luha niya.

Nakakainggit. Gusto ko ring umiyak. Gusto kong sumigaw. Pero wala akong mailabas na kahit ano. Ang alam ko lang ay merong mabigat sa'kin, pero wala akong magawa kundi dalhin 'yon dahil wala akong mahanap na paraan para mailabas 'yon. 

In Between MaybesWhere stories live. Discover now