Chapter 10

228 40 2
                                    

Worried

"Bakit nagmamadali ka? " Kunot noong tanong ni Keila sa'kin nang hilahin ko siya, "Teka, dito ang exit-"

"Dito na tayo. Pwede naman dito, " Putol ko sa kan'ya habang hila hila pa rin siya papunta sa kabilang exit ng building namin kung saan walang masyadong taong dumadaan.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya nang makalabas kami.

"Saan tayo kakain? Let's try something new! " Ngiti ko, "Doon sa wala masyadong tao-"

"May pinagtataguan ka? " Hila niya sa'kin at saglit akong pinatigil sa paglalakad.

"Ethan. "

"Bakit? Nag-away na naman kayo? " Hindi ako sumagot, "Nakakaloka, ha! Hindi pa nga kayo, puro na lang away at iwasan! Awat naman! " 

"Tara-"

"Anong ginawa niya? "

"Huh? "

"Anong ginawa niya at umiiwas ka? " Tanong ulit niya.

"It's nothing-"

"Nothing, my ass. Hindi ka naman iiwas kung nothing lang yon. Come on, Av. Ano nga? "

"Let's just talk about it while we're eating. One hour lang ang lunch. Let's just go, " Irap ko at muling hinila siya.

Pumunta kami sa isang cafe sa loob ng university. This is our first time here. Wala masyadong tao at tahimik.

"Oh, spill. "

"I'm hungry, Kei. "

"Eat while talking, " Ngumuso ako at humiwa ng bacon at sinubo 'yon.

"Oh, nakasubo ka na. Talk now. "

"Kei naman!" Irap ko.

"Ano? Feed my curiosity, Av! "

"Fine!" Irap ko, "Ethan, he's... courting me, " Kaswal kong sabi. Hindi sumagot si Keila at tumango lang, nagpatuloy sa pagkain na parang wala lang ang sinabi ko na ikinabigla ko. 

Alam niya na? Kalat na ba sa campus? Naibalita na? Kaya ba gano'n ang tingin nila Shan kanina?

Pero nagulat ako nang ilang segundo lang matapos ang pagtango ng kaibigan ko ay sunod sunod ang naging ubo niya. Mabilis kong inabot sa kan'ya ang iced tea na inorder.

"Are you okay?" Natatarantang tanong ko at pinunasan ng tissue ang labi niya. 

"He's what?! " Gulat niyang tanong.

"Ha? "

"Ethan. As in your Ethan? He's what? Courting you?" Mabilis akong napangiwi at sumenyas ng 'wag maingay.

"Sabi ko na nga ba, gusto ka rin ng isang 'yon, eh! Halatang halata! " Tawa niya, "Oh, eh nanliligaw pala. Bakit mo iniiwasan? "

"Naisip ko lang na hindi pa 'ko ready-"

"Oh, drop that reason, Av. We both know na may mas malalim pang dahilan. Spill. "

"Ayon talaga-"

"Spill, Av, " Ulit niya pa.

"Fine! You're fucking annoying, " Inis kong sabi, "I'm afraid I'm getting played. "

"You're getting played? " Kunot noo niyang tanong.

"Well, you remember what Shan told me before I left for vacation? What if totoo 'yon? My God, Kei! "

"Akala ko ba napag-usapan n'yo na 'yan? "

"Sabi niya hindi totoo, but I can't risk! They've been friends for a long time-"

"For your information, Av, ang Kuya ni Shan ang kaibigan ni Ethan-"

In Between MaybesWhere stories live. Discover now