Chapter 14

228 37 2
                                    

Future

"Good evening, Mom, Dad, Kuya.," Mahinang bati ko nang makauwi.

"I had dinner na po, " Nag-aalangan kong sabi. Walang sumagot ni isa. 

"Sa kwarto na-"

"Do you have a boyfriend now, Av? " Seryosong tanong ni Daddy. 

"Luis, stop-"

"I am asking your daughter, " Putol niya sa nagsasalitang si Mommy habang diretso pa rin ang titig sa'kin.

"Yes, Dad. Ngayong araw ko lang po siya sinagot. I'm sorry. "

"You don't have to apologize, Av, " Agap sa akin ni Mommy, "Luis, you better stop-"

"Ethan Valerio, right? " Tanong ng Daddy sa seryoso pa ring tono.

"Yes, Dad. "

"Break up with him, " Natigilan ako sa diretsahan niyang pahayag.

"Dad, it wasn't my sister's fault-" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pagbitaw ng Daddy sa kubyertos na hawak niya, dahilan din para matigil si Kuya sa pagsasalita.

"You stop it with him, Av, " Pirming sabi niya.

"Luis, you can't do that-"

"Break up with him! " Ulit niya.

Hindi ako makapagsalita at nanatiling nakatingin lang sa kanila. 

Wala 'kong maintindihan.

"Av, go to your room, please. Ako na ang bahala rito, " Sabi ni Mommy at lumapit sa akin, "Let's talk-"

"You answer me, Av! Would you break up with him or not? " Bahagyang tumaas ang tono ng pananalita ni Daddy kaya napaigtad ako. Ang Mommy naman ay agad akong inalalayan at hinawakan ang braso.

"Luis, calm down, please! " Sigaw ni Mommy pabalik.

"Av, answer me, " Mas pirmi pang sabi niya. Nanginig ang mga kamay ko at ang pang ibabang labi ko. 

I can't.

"Dad, hindi mo kailangang sigawan si Av! " Inis na sabi ng Kuya.

"Answer me, " Ulit ni Daddy, nakabaling pa rin sa'kin.

"Stop making Av do things-"

"Break up with him, Av. That's my order. You better do it or else I'll be the one to. "

"D-Dad, " Mahinang sabi ko sa, "I like him, " Mabilis na kumunot ang noo niya.

"You're too young for that! Hindi minamadali ang mga gan'yang bagay! "

"Dad naman! Stop shouting at my sister!" Frustrated na sabi ni Kuya, tumaas na rin ang boses.

"Nate, 'wag kang makisali!"

"Kausapin mo nang maayos! Hindi mo kailangang sumigaw!"

Mabilis na dumapo ang palad ko sa labi nang isang malakas na suntok ang binigay ni Daddy kay Kuya.

"Kuya!" Mas umiyak ako. 

"Luis!" Si Mommy. Mabilis ang naging paggalaw niya at tinungo si Kuya na ngayon ay masama ang tingin sa Daddy.

"Av! Answer me!" Direktang sigaw sa'kin ni Daddy. 

Bahagyang napaatras ako nang tumayo siya.

"Luis, tumigil ka na!" Humarang si Mommy at dinala ako papunta likod niya. 

"I like him, Daddy. I like him so much. I am so sorry, " Humikbi ako.

"Stop apologizing, Av, please, " Bulong ni Mommy.

In Between MaybesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt