Facetime
"Are you okay?" Tanong ni Ethan habang kumakain naglalakad kami palabas para hintayin si Kuya.
Mula kanina ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi no'ng babae. Hindi ko alam kung dapat ko bang i-open up 'yon kay Mommy o itatago ko na lang.
Ayokong isipin ang posibilidad na dati ko pang naiisip, pero hindi 'yon mawala sa utak ko.
Talagang lantaran pa silang lumalabas? Hindi ba't ang kapal naman ng mukha nila no'ng babae kung gano'n?
"Hmmm..." Sagot ko at bahagyang isinandal ang sarili sa braso niya.
"Tired?"
"I'm happy, " Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.
"You seem tired. Pinagod ba kita nang sobra?" Bahagya akong natawa.
Pa'no ba naman, matapos kami sa salon ay dinala niya ako kung saan siya bumibili ng mga school supplies niya. Nagpaikot ikot kami ro'n, pakiramdam ko nga ay ginantihan niya 'ko! Pagtapos ay pumunta kami sa isang fun house na nandito sa loob ng mall. He challenged me na lumaban sa kan'ya sa basketball! At syempre talo talaga 'ko! Daya! Alam naman niyang hindi ako marunong magshoot kagaya niya! We played other games as well. Name it! Car race! Barilan! Damn this Ethan! Pakiramdam ko Kuya ko ang kasama ko, eh!
"Ayos lang naman. Our food was great, nawala rin ang pagod ko. "
"Let's do this again, okay?"
"This? Date?" Tumango siya.
"Bakit? Dalawang beses ka bang magbibirthday ngayong taon?" Natatawang tanong ko.
"Kapag birthday ko lang ba tayo pwedeng lumabas kagaya ng ganito? Can't I take my girlfriend out on a date?"
"Wow! Sabi mo dati you don't do dates. Bakit parang nagdedemand ka ngayon ng date mula sa'kin?" He groaned, mukhang naaasar.
"Bakit? Ikaw kaya ang nagsabi no'n!" Tawa ko, "I don't do dates, " Ginaya ko ang tono ng pananalita niya.
"It's different now, " Sagot niya at nag iwas ng tingin. Nagtaas ako ng kilay.
"Different? Paanong different naman?" Pang-aasar ko pang tanong.
"Just different, " Simple niyang sagot.
"Explain it. "
"No. "
"Bakit? Explain lang naman, " Nguso ko.
"You're my girlfriend. Isn't that enough?"
"You're not really good at communicating, 'no?" Tawa ko.
Kumunot ang noo niya at tinignan ako.
"Well, pansin ko lang naman. Tipid mong magsalita eh. Pahirapan ka pasagutin. What's your love language ba? "
"What?"
"Love language, Ethan. "
"I don't know, " Tumigil siya at nag isip, "I love you?" Naguguluhan niyang sagot.
"What?"
"You're my Av. "
"Ha? Anong I'm your Av?"
"I don't know, " Nag iwas siya ng tingin at hinawakan ang kamay ko, "Let's just go. "
"You don't know what love languages are?"
Umiling siya.
"There are five, eh. Mine is time. I give time to people I love, " Ngiti ko, "What's yours?"
![](https://img.wattpad.com/cover/230484769-288-k888350.jpg)
YOU ARE READING
In Between Maybes
Romance"𝑇𝑜 𝑚𝑦 𝑡𝑟𝑒𝑎𝑠𝑢𝑟𝑒𝑑 𝑠𝑜𝑢𝑙𝑚𝑎𝑡𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑚𝑦 𝑝𝑟𝑒𝑐𝑖𝑜𝑢𝑠 𝑜𝑛𝑒, 𝑌𝑜𝑢 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑎𝑙𝑤𝑎𝑦𝑠 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑚𝑒. " I closed my eyes as soon as I finished reading the letter she left.