Chapter 13

225 37 2
                                    

Party

"Anak, " Humalik ang isang kasing edaran lang siguro ni Mommy sa pisngi ni Ethan, "Kanina ka pa namin hininihintay ng Dad mo," Dagdag niya. Ang buong atensyon ay nasa kasama ko.

"I needed to finish something at school, Ma,"  Sagot ni Ethan. 

What should I do? Damn! Nakakakaba naman 'to!

Dapat bang lumayo muna 'ko at hayaan silang mag-usap? Mukhang hindi rin naman ako napapansin ng Mommy niya, eh!

Aatras pa lang ako para kumawala sa pagkakahawak niya sa bewang ko nang mabilis niya 'kong balingan.

"Where are you going?" Kunot noo niyang tanong.

Nanginig ang mga kamay ko, "Kailangan ka yata nila. I can sit siguro muna tapos hihintayin na lang kita after?" Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagtingin sa'min ng Mommy niya na mas ikinakaba ko.

"Mind telling me the reason why the Governor's daughter is here, Ethan?" Tanong nito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at humarap sa kan'ya. 

"She's my girlfriend, " Diretsahang sagot ni Ethan.

"I didn't know you have a girlfriend," Nagtaas ito ng kilay, "Anong laro na naman 'to Ethan?" Tawa niya.

"Ma, stop it. "

"Just kidding, Anak, " Tigil niya sa pagtawa, "Nice meeting you, hija, " Bumaling ito sa 'kin.

"Nice meeting you rin po. I'm Kaliyah Avery Zaldivar, " Pormal kong pagpapakilala at inilahad ang kamay.

"You don't have to introduce yourself. Everyone in here knows you and your family so well, hija, " Tinignan niya lang ang kamay kong nakabitin sa ere at hindi tinanggap. Nahihiya kong binawi 'yon at muling lumunok.

Sa gilid ko ay narinig ko ang pagbuntong hininga ng katabi ko.

"We'll just-"

"Have you seen Hazel? Hinahanap ka niya, " Putol ng Mommy ni Ethan sa kan'ya.

Who's Hazel?

"No, Ma. Kararating lang namin-"

"You should go see her. Kanina pa 'yon naghihintay, Ethan. "

"I have nothing to do with-"

"Let's go. You should greet her at least!" Sabad nito, "You can leave your girlfriend here for the meantime. Then, we'll have a toast after. "

"I'll bring her with me, Ma. I don't have to leave-"

"Hija, ayos lang naman siguro kung dito ka muna? Ethan needs to do greet some guests-"

"Ma, Av will go with me as I entertain the guests, " Matamang sabi ni Ethan.

"Huy, " Mahinang sabi ko, "Your Mom's right. You should go muna. Dito lang ako, balikan mo na lang ako pag tapos na kayo. 

"No, Av. We'll go-"

"Ethan, hindi gusto ng mga babae ang mga lalaking masyadong clingy! " Ngumisi ito, pero hindi siya pinansin ni Ethan.

"Let's go together-" Agad akong umiling. 

His Mom clearly doesn't like me. 

Kung ipipilit ko pang sumama o kung papayag ako, baka mas ayawan niya lang ako

"Dito na lang ako. You should go, " Umatras ako para kumawala sa pagkakahawak niya, "Balikan mo na lang ako pag tapos ka na. "

I felt unwanted. It feels terrible pala.

"No, Av. We-"

"Ethan, let's go. Babalik ka naman, " Halakhak ng Mommy niya.

"Sige na," Mas mahina ko pang sabi at tipid na ngumiti, "Enjoy ka. "

In Between MaybesWhere stories live. Discover now