Pearl
"Good morning, My, " Bati ko sa kan'ya. Mabilis niya akong nilingon, tila ba nagulat.
"Oh, Av. Good morning! " Lapit niya at hinalikan ako sa pisngi, "You're early. Pineprepare ko pa ang breakfast n'yo. "
"It's okay po. May ipapaalam lang po sana 'ko. "
"Go on. What is it? "
"Baka po gabihin ako ng uwi mamaya. Birthday po kasi ni Ethan and we'll have dinner po sa house nila. "
Nakita kong natigilan siya saglit, pero mabilis din namang nakabawi.
"Oh. It's fine. Mga anong oras ka makakauwi? "
"Siguro po mga nine or ten pm? Kasi po five pa kami makakaalis sa school. "
Ngumiti siya, "Okay, Anak. Enjoy ka. "
"Mommy, sinagot ko na po siya, " Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"He's... your boyfriend now? " Nag-aalangan niyang tanong. Tumango ako.
"Sinagot ko po siya kagabi. "
"Does that make you happy?"
"Yes. I like him, My. "
"Then we're good. I'm looking forward to meeting him soon, " Ngiti niya.
"I actually don't know po kung kailan ko siya dadalhin dito. Given Kuya's reaction, baka po mas lumala lang. Si Daddy naman wala pa ring idea. "
"Don't worry about your Kuya, Av. Maiintindihan niya rin 'yan soon and ako na ang bahala sa Daddy mo, okay? "
"Thank you, Mommy. "
"No problem, Anak. As long as you're happy. "
"Good morning, Av! Birthday ng Ethan mo ngayon, ah? " Bungad ni Keila nang makapasok ako.
"How'd you know that? "
"Syempre naman! Ingay ng name niya ngayon sa Facebook. Ang daming bumabati. Bumati nga rin ako, kaso hindi naman nagrereply. "
"Hindi kami friends sa Facebook eh. "
"Hindi naman yata 'yon nag-oopen ng social media masyado, " Kibit balikat niya.
"I don't know. "
"So ano, binati mo na? Don't tell me inaway mo ulit? "
"Huh? " Natawa ako, "Inaway ka r'yan! Hindi, 'no! Magkausap kami kagabi. Binati ko na. "
"Naks! So, okay kayo? Wala munang away? Wala munang iwasan? " Natatawa akong tumango, "Anong balak n'yo today? Usapan na may party daw mamaya sa bahay nila, ah? "
"Wow, Kei. Hindi ko naman alam na newscaster ka na pala ngayon? "
"Hoy, fyi, matunog talaga pangalan ni Ethan, 'no! He's famous, well, He's a Valerio. Sino naman ang hindi makakaalam ng nangyayari sa buhay niya?" Ismid niya, "Bagay talaga kayo. Parehong sikat. "
"I'm not famous. "
"Oh? Sinong tangang maniniwala d'yan, Av? " Tawa niya.
"Tigilan mo nga 'ko, " Sabi ko at umupo na sa upuan ko.
Wala ngayon ang grupo nila Shan, ah?
"Invited ka mamaya, 'no? " Umupo si Keila sa tabi ko.
"Yup, I'll meet his parents. "
"Wow! Nagliligawan pa lang, meet the parents stage agad!" Tawa nito.
"He's now my boyfriend, Kei, " Mahina at kinakabahang sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/230484769-288-k888350.jpg)
YOU ARE READING
In Between Maybes
Romance"𝑇𝑜 𝑚𝑦 𝑡𝑟𝑒𝑎𝑠𝑢𝑟𝑒𝑑 𝑠𝑜𝑢𝑙𝑚𝑎𝑡𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑚𝑦 𝑝𝑟𝑒𝑐𝑖𝑜𝑢𝑠 𝑜𝑛𝑒, 𝑌𝑜𝑢 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑎𝑙𝑤𝑎𝑦𝑠 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑚𝑒. " I closed my eyes as soon as I finished reading the letter she left.