Chapter 4

266 50 1
                                    

Shan

"Av... " Yugyog sa'kin ni Keila. 

"What? " Tanong ko.

"Ethan's outside. Hinihintay ka, " Bulong niya. Nanlaki ang mata ko at agad na tinignan ang labas.

"Anong oras na ba?" Balik kong tingin sa kaibigan.

"Three-thirty. Kanina pa kita kinakausap, you seem preoccupied. Ayos ka lang ba? May problema ba? " Nag-aalala niyang tanong.

"I'm fine, puyat lang. Sige na. I need to go, " Sabi ko at kinuha na ang bag at nagmamadaling lumabas.

"I'm sorry. Hindi ko namalayan ang oras, " Agad kong hingi ng paumanhin nang makalapit sa kan'ya.

"Are you okay?" Naninimbang niyang tanong. Tumango ako.

"Yup. Let's go na, " Iwas tingin kong sagot at nauna nang maglakad.

Habang naglalakad patungo sa kung saan ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Saglit akong tumigil para tignan 'yon.

Keila:

I'm worried. Are you really fine? 

Mabilis na nagtubig ang mata ko.

Hindi ako nakatulog nang ayos dahil sa pag-iisip kung bakit umiiyak nang gano'n si Mommy kahapon. Nagdinner kaming magkakasama at mukhang maayos siya, pero sa tagong scene na nakita ko ay mukhang may mabigat siyang dinadala. Nag-aalala 'ko, pero wala naman akong lakas ng loob magtanong dahil natatakot din ako. Masyado akong takot malaman ang problema ng pamilya ko. 

Buong gabi yata akong nag-isip at gumawa ng kung ano-anong scenario sa utak ko na pwedeng maging problema ng pamilya ko. Tuwing naiisip ko ang isang rason na pwede naming ikasira at ang pwedeng maging dahilan ng hiwalayan nilang dalawa, agad akong nararamdaman ng takot. Pero I hope that my Dad won't do that. He's the one who I look up to at kung sakaling magfail siya, hindi ko alam ang mangyayari sa'kin. 

"Av, " Mabilis akong nag-angat ng tingin. Sinalubong ako ng nakakunot noong si Ethan.

"I'm sorry. May nagtext lang. Sorry, " Nanginig ang boses ko kasabay ng mabilis na pagtulo ng luha. Mabilis kong pinunasan ang mata ko at inayos ang sarili. This isn't the place to be emotional, Av. Compose yourself, please!

"Are you okay? " Agad kong nakita ang sapatos ni Ethan na ngayon ay nasa harap ko na. Umatras ako at naiiling na tumingin sa kan'ya.

"I am..." Pumiyok ako na mas nagpahiya sa 'kin. 

Damn it! Naiiyak ko na ang lahat kagabi, 'di ba? Hindi pa ba sapat 'yon?

"What happened? " Nag-aalala niyang tanong. 

"I'm okay. Let's go, gawa na-"

"No... no. Are you okay? " Pagbabago niya ng usapan. Nag-iwas ako ng tingin, pero pinilit niyang hanapin ang mata ko.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Seryoso niyang tanong. Nagpakawala ako ng isang mahinang hikbi at umiling.

"I'm fine. Let's g-go na, " Pilit ko sa kan'ya. Hinawakan ko pa ang palapulsuhan niya para sana magpatuloy na sa paglalakad, pero nanatili lang siyang nakatayo at hindi nagpapatinag sa hila ko.

"Tara na! Sayang ang time-"

"What happened? Tell me, " Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang kakawalang hikbi. 

Damn it, Av! You better stop crying!

"Why are you crying? " Mataman niyang tanong.

"I... I failed a quiz. 'Yon lang, " Pagsisinungaling ko. 

In Between MaybesWhere stories live. Discover now