Exam
"What was that? " Galit na baling sa'kin ni Ethan nang makalabas kami.
"I was just being nice! Mali ba 'yon? At isa pa, free naman talaga 'kong makipagdate that day! Wala 'kong kasama-"
"We can go together-" Pinutol ko ang sasabihin niya ng isang halakhak.
"Together, my ass! Edi inaway pa 'ko ng nililigawan mo? No way! " Galit kong sabi.
Ang kapal talaga ng mukha niya. He's asking me out, tapos may nililigawan siya? The nerve!
"Let's go! Sa grade eleven na tayo-"
"Sinong nagsabing may nililigawan ako? " Pigil niya sa'kin bago pa man makatalikod.
Mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya at umirap.
"Sino pa ba? Edi 'yung nililigawan mo! " Sagot ko.
"What? Who-"
"Stop lying, pwede ba?" Mas iritado ko pang sagot ngayon.
Huli na nga, magsisinungaling pa!
"Sinong nililigawan ko? Wala 'kong matandaang nililigawan ko, Av. "
"So, ano? You're two are already a couple na, gano'n?"
"Wala 'kong nililigawan. Mas lalong wala akong girlfriend. What are you talking about?"
"Ano? I thought you were courting Shan? "
"Shan? " Kumunot ang noo niya.
"Shan! My classmate-"
"I know. What about her?"
" You've been going out, 'di ba? You two are dating-"
"We aren't-"
"You are! 'Di ba nga sinundo mo siya no'ng Wednesday. Tapos kumain kayo sa labas-"
"Pinasundo siya ng Kuya niya. Hindi kami kumain sa labas, dumiretso kami sa bahay nila. May tinapos kaming prototype ni Jack para sa finals. Pagtapos, umuwi rin agad ako, " Pagpapaliwanag niya, "Dahil dito kaya ka galit? " Dire-diretso niyang sabi.
"What? She told everyone na lalabas kayo-"
"You could've asked me right away." Inis niyang tanong.
"Bakit naman ako magtatanong sa'yo? Nililigawan mo siya-"
"I am not courting her, Av, " Kalmado ngunit mariin niyang pahayag.
"Then why is she telling everyone na you're pursuing her? "
"I don't know, " Sagot niya, "Kaya ka ba umiiwas? Dahil dito?" Nag-iwas ako ng tingin.
"You're courting someone, ayoko namang-"
"I am not courting anyone, please. "
"Eh 'yon ang akala ko! She's been telling everyone na-"
"That's why I'm telling you to ask me right away. Bakit ka naniwala agad? " Ngumuso ako.
"Bakit ka galit? Hindi mo naman sinabing hindi 'yon totoo, ah! " Bawi ko.
"Hindi ka nagtanong. You... " Mariin siyang pumikit at problemadong dumilat, "You didn't asked me. Ni hindi ko nga alam na 'yon ang dahilan ng pag-iwas mo. "
"Edi, I'm sorry! Hindi ko naman alam! "
"Sa susunod magtanong ka na lang sa 'kin. Hindi 'yung naniniwala ka sa kung sino sino lang! " Pinisil ko ang hinliliit ko at bahagyang yumuko.
Ramdam ko na ang pag-iinit ng gilid ng mata ko, "Bakit ba nagagalit ka? Hindi naman big deal-" Nakayuko kong sabi, ngunit muli niyang naputol.
" You've been avoiding me since Wednesday. Three days had passed! Tapos ito lang ang dahilan mo?"
YOU ARE READING
In Between Maybes
Romance"𝑇𝑜 𝑚𝑦 𝑡𝑟𝑒𝑎𝑠𝑢𝑟𝑒𝑑 𝑠𝑜𝑢𝑙𝑚𝑎𝑡𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑚𝑦 𝑝𝑟𝑒𝑐𝑖𝑜𝑢𝑠 𝑜𝑛𝑒, 𝑌𝑜𝑢 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑎𝑙𝑤𝑎𝑦𝑠 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑚𝑒. " I closed my eyes as soon as I finished reading the letter she left.