Chapter 24

47 12 0
                                    

Airport

"Where are you going?"

"Bar daw kami nila Lucy, " Sagot ko habang isinusuot ang sapatos.

"Mag-iinuman kayo?"

"Siguro. Imposible namang maglaro kami do'n, Kuya?" 

"Whatever. Sasama 'ko. "

"Ano? Bakit ka sasama?"

"What do you expect me to do? Just watch you go out this late?"

"Let me remind you. Twenty-three na-"

Mabilis niya akong pinutol, "Bakit? Pag twenty-three ka na hindi na ba ako ang Kuya mo?"

"Ano namang gagawin mo ro'n? Ni hindi ka nga yata marunong uminom!"

"Excuse me? Ako?" Sagot niya, tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"'Wag ka na kasing sumama!"

"Bakit ayaw mo 'kong pasamahin? May iba ka bang gagawin do'n, Av?"

"Kuya, I'm twenty-three already! Ano na lang ang iisipin ng iba na may Kuya pa akong nagbabantay sa'kin!"

"Fine! Ihahatid lang kita! Anong oras ka uuwi? Susunduin din kita."

"Kuya!"

"No buts!"

"Ewan ko kung anong oras kami uuwi. I'll send you a message! "

Pinanliitan niya ako ng mata, "I doubt that. "

"I promise!"

"Alright. Wait for me here. Kuha lang akong jacket, " Sabi niya at dire-diretsong pumunta sa kwarto niya.

Habang nasa sasakyan kami ay tahimik akong nagsscroll sa phone. Nando'n na raw ang mga kaibigan ko, ako na lang ang hinihintay. Kainis naman kasi 'tong si Kuya, ang tagal kumuha ng jacket!

Binalingan ko siya ng titig habang nagdadrive at masamang tinignan. Ang isang 'to! Mas maayos pa ang porma kaysa sa'kin! Akala ko ba ihahatid lang niya ako? 

"Kung nakakamatay ang titig, nakalibing na 'ko, Av. "

Mabilis akong kinilabutan dahil sa sinabi niya. 

What?

"Just kidding!" Dagdag niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makahinga.

"You ready for tomorrow?"

Hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Anong nakalibing? 

Bumalik sa ‘kin ang huling araw ni Daddy. The way his casket quietly sank into the meadows. My mom's scream. My brother's cry.

 Mariin akong pumikit. Stop it, please.

"Are you okay?" 

Paano kung may mangyaring masama sa Kuya ko?

"Av, " Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan, "Why are you crying?" Tarantang tanong niya. 

Tahimik akong nagpakawala ng hikbi at mahigpit siyang niyakap.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Sa bar ka na lang... sabay na tayong umuwi. "

"What? Anong nangyari, Av? "

"Just stay with me sa bar. Sabay na tayong umuwi!" Bahagyang tumaas ang boses ko.

"I will, " Tumango ako at bumitaw sa pagkakayakap sa kan'ya.

"Are you okay? Anong nangyari?"

"Wala, " Iwas tingin kong sagot, "Drive ka na. Late na tayo. "

In Between MaybesWhere stories live. Discover now