Simula

581 59 7
                                    

Valerio

"Nakakatamad pumasok, " Nakangusong sabi ko kay Keila. Mahina siyang humalakhak na tila ba ay isang katawa-tawang kataga 'yung sinabi ko.

"Wow, may himala, ah? " Pang-aasar niya.

Sa 'ming dalawa, palaging siya ang tinatamad pumasok at ako naman 'yung nagpupumilit sa kan'yang pumasok, pero sa sitwasyon ngayon, baliktad ang nangyayari.

"May problema ba? " Tanong niya at sumimsim sa kapeng iniinom. 

"My Mom and Dad are planning to get annulled, " Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para balikan ang pangyayari kagabi.

Naalimpungatan ako dahil sa sigawan mula sa labas ng kwarto ko. Kahit antok, pinilit ko pa ring bumangon at tignan kung saan nanggagaling 'yon. Nasa pagitan pa lang ako ng hagdan pababa ay narinig ko na ang malakas na boses ni Kuya na para bang inaawat ang dalawang tao. Dali-dali akong bumaba at patagong pinanood ang nangyayari.

Si Kuya nasa pagitan ng Mommy at Daddy namin. Mukhang hinihingal pa dahil sa ginawang pagsigaw, hindi rin maitatago sa mukha niya ang galit na ipinagtaka ko.

What's happening?

"You two stop it, okay? Av won't like this! Pa'no n'yo ipapaliwanag sa kapatid kong maghihiwalay kayo?"

Bakit sila maghihiwalay?

"Bear with each other, please. I don't want my sister to get hurt, " Matigas niyang sabi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang paghikbi ng Mommy kaya agad nalipat ang tingin ko sa kan'ya. Tahimik siyang umiiyak sa isang gilid habang takip ang kan'yang labi. Si Kuya ay nagmamadaling lumapit sa kan'ya at niyakap siya. Ibinaling ko ang tingin kay Daddy na ngayon ay bigong bigo ang itsura. 

Hindi ko alam kung anong nangyayari at natatakot akong malaman kung ano man ang totoo. Bakit umabot sa puntong maghihiwalay na sila?

Ano ang naging problema? Ga'no kalala?

"Huh?" Gulat na tanong ni Kei. Umiling ako at pumikit. 

Kahit ako ay hindi ko rin alam ang p'wedeng paliwanag sa nangyayari. Maayos ang pamilya ko. Pinalaki ako ng Mommy at Daddy sa isang masaya at buong pamilya kaya hindi ko alam kung paanong naging posible ang ideya ng paghihiwalay sa pagitan nila.

"Anong nangyari, Av? " Nag-aalalang tanong ni Keila.

"I don't know. Hindi ko rin magawang tanungin si Kuya. Natatakot ako. I'm not ready for anything, yet, " Sagot ko at bumuntong hiningang dumilat.

"Pero, annullment? Isn't that too much? Ayos naman sila Tito at Tita, ah? " Kunot noo niyang tanong. 'Yon din ang tanong ko. Kanina namang umaga ay sabay sabay kaming nag-almusal. Sinabay pa nga nila kaming dalawa ni Kuya papunta rito sa school at nag-uusap din sila, kaso pansin ko na ang pagiging kaswal ng pakikitungo nila sa isa't isa o baka matagal na 'to? Ngayon ko lang napansin, dahil ngayon ko lang din naman nalaman na may ganito kaming komplikasyon sa loob ng pamilya.

"Hi, Av, " Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking tumigil sa harap ko. Dala niya ang isang box at tila ba hiyang hiya sa ginagawa. Nakita ko rin ang dalawang lalaking nagtulak sa kan'ya palapit sa 'kin at para bang hinihintay nilang gumawa ng kilos ang lalaking nasa harap ko. Ngumiwi ako.

"Nagbake ako ng cookies. Sana magustuhan mo, " Kagat ang pang-ibabang labi niya ay inabot niya sa 'kin ang box na dala. Pinigilan ko ang pag-irap ko dahil masyadong pagod ang mata ko kaiiyak kagabi, pakiramdam ko masyadong mabigat 'yon para igalaw ko pa ngayon.

"Thanks, " Simpleng sagot ko at tinanggap ang dala niyang box. Kitang kita ko kung pa'no siya nagulat dahil do'n.

"Pwedeng papicture? " Really? Grade 12 na kami, tapos may ganitong galawan pa rin? Yuck!

In Between MaybesWhere stories live. Discover now