Chapter 5

273 51 0
                                    

Date

Nang dumating ang uwian ay nagpalate pa kami ni Keila lumabas ng room. It's her idea. Ang sabi niya ay tignan daw namin kung talagang susunduin ni Ethan si Shan. 

"Three thirty na, " Bulong niya sa'kin habang ako ay seryosong nagbabasa ro'n sa ipad ko.

"So? " Tanong ko habang diretso pa rin ang titig sa ipad na hawak.

"'Di pa tayo uuwi? " Tanong niya.

"Akala ko ba hihintayin-" Natigilan ako dahil do'n. Oo nga, we should go home. 

"All right. Let's go, " Sabi ko at tinago na ang ipad.

"Gusto mo bang hintayin talaga-"

"No,  this is your idea. Gusto ko na naman talaga umuwi kanina pa, " Sagot ko.

Saka bakit parang may pakiramdam ako na hindi naman talaga siya susunduin ni Ethan ngayon? I mean, para kasing may gusto lang siyang iparating. Para sa'kin? I don't know.

"Let's go, " Sabi ko at isinabit na ang bag. Gusto ko pa sanang lingunin ang grupo nila Shan na nasa kabilang gilid, pero pinigilan ko ang sarili ko. I wouldn't like them to get the idea na kaya ako nagstay dito ay para hintayin 'yong sinasabi niyang sundo niya.

Bago kami tuluyang makalabas ni Keila ng building namin ay nagulat ako nang makita ko si Ethan na naglalakad papuntang building namin. So, totoo pa lang aalis sila ngayon. Is this the reason why hindi siya pumayag na maggrab kami ng snack today? Kasi kasama niya si Shan?

Well? He's courting her, Av, kaya baka gano'n na nga.

Nang malapit na kaming maglapit ay dire diretso ko siyang nilagpasan. Mayroon na pala siyang nililigawan, bakit pa siya nagtitext at tumatawag sa 'kin? Playboy ba talaga siya?

"Wow. Snobber, " Mahinang halakhak ni Keila sa tabi ko nang tuluyan na kaming makalabas ng building.

"Bakit 'di mo pinansin? Tumigil sa 'tin, ah? Mukhang may balak na kausapin ka? "

"Wala naman akong sasabihin sa kan'ya, Kei. "

"Ang bitter naman! Don't tell me nagseselos ka kay Shan? " Tinaas baba niya pa ang kilay niya. Nag-iwas ako ng tingin. Am I jealous? I don't think so. Naiinis lang ako dahil sa pagtitext niya sa'kin, eh may nililigawan na pala siya. Wala ba siyang respeto kay Shan at s'yempre, sa'kin! O baka naman ako lang ang nagbibigay malisya? Mukha namang itinitext niya lang ako para ro'n sa task namin. It's pure business. Parang ako lang yata ang iba ang iniisip.

"Oh my God! You're jealous? " Mabilis akong napangiwi dahil sa tono ng pananalita ni Keila.

"I'm not, Kei," Irap ko.

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood at kanina ko pa tinitignan ang phone ko. I was hoping for someone to text or call me which made me so frustrated! May nililigawan 'yung tao, Av!

Habang nagdidinner ay tahimik ako at pinapakinggan lang ang pagkukwentuhan nilang tatlo. Wala talaga 'kong gana ngayon. I just want to sleep.

"You're quiet, " Tanong ni Ethan habang palabas kami ng campus para kumain daw. Dapat nga ay hindi na 'ko sasama, pero napagkasunduan na namin 'to.

"May iniisip lang, " Sagot ko.

"Mind telling me? "

"That's just nothing. "

"You sure? " Tahimik lang akong tumango at nauna na sa kan'yang maglakad.

Pumasok kami sa isang fastfood na parang retro ang style. It's actually a nice place to eat and sit, pero 'di ako komportable dahil dito sa kasama ko.

In Between MaybesWhere stories live. Discover now