Chapter 8

250 41 7
                                    

Kiss

Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ko habang inaayos ang gamit pagpasok. Hindi pa 'ko ready para sa isa pang term. Pakiramdam ko ay gusto ko munang magpahinga, pero hindi naman pwede.

"Av! " Nagtatakbong lumapit sa'kin si Keila na ikinatawa ko. Inabot ko sa kan'ya ang isang paperbag na naglalaman ng mga pasalubong ko mula sa Batanes.

"Thank you! I miss you! " Sabi niya at niyakap ako. Yumakap ako pabalik.

"Missed you, too. "

Pagpasok namin sa room nakita ko agad ang pagtikhim ni Shan pati na ang grupo niya. 

"Grabe, hindi ko alam na mas bagay pala sa'yo maging morena! " Sabi ni Kei at hinaplos pa ang braso ko, "Hala nagpeklat. Nakita na ba 'to nila Tita? Anong sabi? "

"Sabi ko lang ay nadali somewhere. Ginagamot 'yan ni Mommy every night, then nilalagyan ng ointment para kahit papaano hindi maging scar, " Sagot ko.

"Masakit pa ba? " Tanong niya nang makaupo kami.

"No. Ayos na naman, " Simple kong sagot.

Hindi makatakas sa gilid ng mata ko ang matalas na titig sa'kin ni Shan. Ang kapal ng mukha.

"Let's start electing officers, " Sabi ng adviser namin.

As usual ay ninominate ako bilang president, hindi na bago sa'kin 'yon, pero ang bago sa'kin ay ninominate rin nila si Shan. 

Wow. Really now?

"Who's in favor of Av to be the President of this term? " Nakangiting tanong ni Ma'am. Nagtaas ang mga kaklase ko ng kamay.

"Twenty-nine, " Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marealize na matatalo ako. 

Just fuck it.

"Congratulations to our newly elected President, Shan Maligaya, and our VP, Av Zaldivar, " Nagpalakpakan sila maging ang Adviser namin, maging si Shan.

Pag-upo ko ay agad na bumulong sa'kin si Keila.

"Hayaan mo na. President ka naman ng council eh. Bigay mo na 'to. Stupid pa rin naman siya, " Mahina akong humalakhak. Kaya mahal ko 'to, eh.

Lunch time came. Tahimik sana kaming lalabas ni Keila nang biglang magparinig si Shan.

"Bitter. Palibhasa talo, " Agad na nangunot ang noo ko.

"Talong talo na sa lahat. Una kay Ethan. Sunod dito, " Sabi no'ng isa pa niyang kaibigan.

Calm down, Av.

"Papatulan ko na 'yan, " Bulong sa'kin ni Keila.

"Let's just go, " Mahinang sagot ko at lalabas na sana nang direkta nang tawagin ni Shan ang pangalan ko.

"Ano, Av? Talk-"

"Hindi pa ba halatang wala 'kong pakealam sa'yo? "

"Akala mo ba hindi ko nakita pag-irap mo-"

"Stop being so full of yourself, Shan. It's disgusting, " Bored ko siyang tinignan at akmang lalabas na nang bigla niyang hilahin ang buhok ko! This fucking asshole!

"You let go of me! " Sabi ko at tinulak siya palayo, "If you are that mad at me dahil iniwasan ka ni Ethan para sa pagpapanggap niya,  then siya ang awayin mo! 'Wag ako! Sa kan'yang desisyon 'yon! Magsama kayong dalawa! You deserve each other! Parehong basura! You thought I got affected dahil napagpustahan ako? No, I'm sorry. At least ako pinag-aksayahan ng pusta, ng oras, eh ikaw? Ni atensyon nga hindi maibigay sa'yo. You're fucking jealous of me... so jealous. I pity you! "

In Between MaybesWhere stories live. Discover now