Chapter 7

238 38 2
                                    

Batanes

"Hindi, " Rinig kong sagot ni Shan at umalis ng room.

"Av... don't tell me," Muling naputol ang sasabihin ni Keila nang narinig namin ang boses ni Ethan. He's... near!

"Wala ka pa sa baba, kaya umakyat na 'ko," Nag-angat ako ng tingin at nagtatakang tinignan siya. Is he talking to me?

"Ako ba? " Tanong ko.

"You forgot? " Of course not!

"Akala ko nandito ka para sunduin si Shan? "

"Tayo ang lalabas. Bakit siya ang susunduin ko? "

"I don't know. Baka lang naman, " Kibit balikat kong sabi at nagpatuloy na sa pag-aayos.

"Hihintayin kita sa labas. Do your thing first," Sabi niya at tumalikod na.

Oh my God! My classmates are still here! Nakita nila? Narinig nila? And for Pete's sake! Keila's here!

"Lalabas kayo? " Mahinang tanong ni Keila sa'kin. Halos pabulong na.

"May aasikasuhin lang for the school's event, Kei, " Pagsisinungaling ko. School's event my ass!

"Eh bakit sinusundo ka? Oh my God! Hindi ka na nagkukwento sa 'kin!"

"We're both busy... finals kaya. "

"So may kwento nga? My God, Av! "

"Siguro bukas ko na lang ikukwento sa'yo? I need to go. "

"Okay. Flirt well, Miss Valedictorian! " Mahina niyang sabi. Ngumuso ako. Flirt? We're just friends!

"Kwento ha! " Habol niya pa na ikinailing ko na lang.

Bago ako makalabas ay nakita ko pa ang ilang tingin sa'kin ng mga kaklase ko. Lalo na 'yung grupo ni Shan. Para silang inis sa'kin na ewan. Well? May kasalanan ba 'ko? Wala naman, ah?

"Bakit ka umakyat? Sabi sa'yo sa gate na lang eh! " Bungad ko sa kan'ya.

"I already told you the reason why."

"Sana nagtext ka na lang. Nakita ka pa tuloy na sinusundo ako-"

"And what's wrong with it, Av? "

"Mukhang nagalit sa'yo si Shan! Pati ang mga kaibigan niya parang-"

"Ano kung magalit sila? "

"Oo nga, pero kasi 'di ba? Good friends kayo ni Shan, tapos-"

"Let's stop talking about Shan, please? " Mahinahon niyang sabi.

"I am just worried-"

"I'm not. "

"You're rude. Gusto ka nu'ng tao-"

"You better stop. I don't want us to fight. Ngayon na lang ulit tayo-"

"Hindi naman ako nakikipag-away, 'no! I'm just saying na you better be nice to her, kasi gusto ka-"

"I don't like her that way, Av. Sinabi ko na, " Inis niyang sagot.

Who do you like, then?

"Fine! Tara na nga, " Irap ko at nauna nang maglakad.

Tumigil kami sa isang resto malapit lang sa campus. Hindi rin kasi kami pwedeng lumayo, dahil hindi rin ako nakapagpaalam nang maayos kila Mommy kaya dito na lang kami sa malapit.

"What do you want? " Tanong niya. Ang waiter ay naghihintay na agad sa tabi namin kaya parang nataranta ako sa pagpili ng pagkain namin.

"I want spaghetti bolognese, then, fries and nachos, iced tea na rin, " Ngiti ko ro'n. Sunod naman na sinabi ni Ethan ang sa kan'ya. Isang dish lang ang inorder niya, para tuloy ang dami no'ng akin! Pero gutom kasi talaga 'ko. I wasn't able to eat well last week and for the past three days of exams. Mas prefer ko kasi na gutom ako habang nagrereview kesa may kinakain or busog. Hindi ko alam kung bakit, but that works for me. Kapag kasi busog ako at nagreview, aantukin lang ako.

In Between MaybesWhere stories live. Discover now