Chapter 1

329 56 7
                                    

Zaldivar

"Good morning! " Masiglang bati sa'kin ni Keila nang makapasok ako sa room. 

"Pengeng chocolates, ha? " Natatawang sabi niya at kinuha ang isang malaking chocolate ro'n sa ibabaw ng lamesa ko. Umirap ako at ibinaba ang bag sa upuan.

"Sa'yo na lahat 'yan, " Hindi ko alam kung bakit patuloy sila sa pagbibigay sa'kin ng mga ganito, eh alam naman nilang ayaw ko. Nagsasayang lang sila ng mga pera nila!

"Thanks!" Hagalpak ni Keila sa pagtawa. Alam niya kasing inis na inis ako sa tuwing may ganitong binibigay sa'kin. Bukod sa may ganito naman kami sa bahay, kayang kaya kong bumili ng mga bagay na ibinibigay nila.

Salamat sa effort, pero hindi ko naman kailangan no'n.

Kani-kaniya kaming paghahanda para sa quiz namin next subject. Sa totoo lang ay hindi naman big deal itong quiz na 'to, pero dahil specialized namin ang subject, kailangan naming seryosohin. Kahit isa lang siya sa mga written works, malaking percent na rin 'to para sa grades na kailangan ko, lalo na ngayong gusto kong maging valedictorian ng batch.

"Memorized mo na 'yung preamble? " Bulong sa akin ni Keila. Tahimik akong tumango habang diretso pa rin ang titig sa portal na binabasa.

"Seryoso? " Kumunot ang noo ko at ibinaling ang tingin sa kan'ya.

"Oo, bakit? "

"Hindi ko masaulo, nakakatamad, " Nakanguso niyang sabi.

"You can memorized it for five minutes, Kei. Kung gugustuhin mo. "

"Five minutes?! " 

"Yup. I memorized that nga five minutes before going to bed last night, eh, " Taas noo kong sabi. Inirapan niya 'ko at muling ngumuso.

"Ang yabang, Avery, ha!" Sabi niya na mahinang ikinatawa ko, "Sasauluhin ko na nga, " Nakangusong sabi niya at muling ibinalik ang tingin sa binabasa.

Habang tahimik akong nagrereview ay mayroon akong isang kaklaseng lumapit sa'kin.

"Hmm?" Tanong ko. Hindi tumitingin sa kaniya.

"Kasama raw ba ang Universal rights sa irereview? " Tanong nito. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Agad kong nakita ang nahihiya niyang ekspresyon sa harap ko, pati ang titig sa amin ng buong klase ay ramdam ko. Maging si Keila na katabi ko.

"Yup, " Marahan kong sagot at ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit parang ilag ang lahat sa'kin na lumapit. Wala naman akong ginagawang masama para matakot sila? Si Keila lang yata talaga ang malakas ang loob na lapitan ako. Sa totoo lang, wala namang masama kung makikipagkaibigan sa'kin. Maldita lang naman ako sa mga pumoporma sa'kin, pero pagdating sa mga makikipagkaibigan, kaya ko naman silang pakitunguhan nang maayos, pero katulad nga nang sinabi ko kanina, si Keila lang ang naglakas loob.

"T-Thank you! " Ngumuso ako nang talikuran niya na 'ko. Pati ang mga kaklase ko ay parang nakahinga nang maluwag dahil hindi ako nagmaldita. Gusto ko sanang alisin ang impresyong 'yon nila sa'kin, pero hindi naman nila ako binibigyang tyansa.

Naalala ko no'ng isang taon, sinubukan kong makihalubilo sa kanila, pero habang wala ako ay narinig ko silang pinag-uusapan kung paano ang magiging kilos nila habang nand'yan ako. Takot sila dahil Governor ang Daddy ko at president din ako ng student council. Pakiramdam nila ay hindi sila makakagalaw nang normal kung nasa paligid ako, kaya simula no'n ay hinayaan ko na lang sila.

Naging sapat na sa'kin si Keila.

Lahat kami ay tumuwid sa pagkakaupo nang nakita namin ang pag bukas ng pinto. Sino kaya ang magiging sub ni Sir Madrid?

In Between MaybesWhere stories live. Discover now