Chapter 3

2.6K 87 1
                                    

Trigger Warning: S/u/i/c/i/d/e/

Greggy's POV

Andito ako sa garden. Iniisip kung ano ang gagawin ko sa kaisa isa kong babaeng anak. Tinawag ko din sina Luis at Alfonso para mapag usapan ang susunod na hakbang na pwede gawin. Nahihirapan na akong makita yung asawa ko na nasasaktan. Pero mas nahihirapan ako makita ang anak kong unti unti nang nadudurog sa sakit. Nakarating na sina Luis at Alfonso at umupo.

"Nalaman na ba ni Mommy yung sama ng loob ni Cassy Dad?" tanong ni Luis

"Mhmm. We need to help your sister and your Mom. Can you guys talk to your sister? Make her understand na her Mom loves her so much. Ako na bahala sa Mommy ninyo."

"But Dad, do you think this plan will work? Cassy doesn't really speak to us anymore. Though she speaks to me if she needs something." Alfonso said. 

Sa dalawang mga kuya niya si Alfonso ang pinaka close niya. Siguro dahil mas palagi silang magkasama noon or mas madalas niya nakakausap niya si Alfonso.

"Just talk to her. Make her feel that she is not alone. Make her feel that she is loved by us. Kinausap ko na ang Mommy niyo. I said na need niya bumawi kay Cassy. Your sister has been through a lot, alam niyo yun diba? Kaya mga anak please help us. Ibalik natin ang dating Cassy."

"Sure dad. I'll talk to her. For now you both rest ni Mommy." Sabi ni Alfonso at tumayo na.

"We'll make sure babalik siya sa dati." sabi naman ni Luis at tumayo narin. 

Umalis na ako at umakyat na sa kwarto namin. Nakita kong nakalabas at naka on ang DVD Player. Naka higa si Irene habang nanonood ng isang video kung saan nandun ang journey niya nung pinagbubuntis niya si Cassy hanggang manganak niya. Fully documented namin yun. Hanggang nanganganak yun ivivideo pa sana namin kaso hindi na siya pumayag. Nasa states kasi kami buong time na buntis si Irene kaya walang nakakaalam noon na buntis siya. Para iwas stress sa kanya, she can't be stressed because with her age kailangan namin mag ingat. Nakita ko na habang nanonood siya ay pinupunasan niya ang kanyang mga luha. Hay alam kong natauhan siya sa mga sinabi ko. Tutuparin ko yung mga pangako sayo noon Hon. We'll take care of Cassy. You'll not lose her. 

Cassy's POV

Goddammit! Bakit?! Bakit ganito? Bakit ako rumurupok kapag kinakausap niya ako? H-Hindi ko maintindihan! Now, I'm having another breakdown! God! Lord, I just want to be happy again. Why can't you give that to me? Hindi ko kasi maintindihan eh, why does she need to say sorry eh the damage has been done. Hindi pa ba enough yun? Wala na, nasaktan na ako eh hindi na mababawi yun.

Nakokonsensya ako na ganon ko siya kausapin o tratuhin. I-I mean, I love her so much na kahit madurog ako ok lang. Hindi ko na kasi alam anong nangyayari saakin. I know I've change. Masama bang isipin ko naman yung sarili ko? Nakakapagod umintindi. Oo mga magulang ko sila, pero tao din naman ako. Nasasaktan ako. Napapagod din naman ako. At sa puntong to pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya. 

Ang hirap hirap mag panggap na ok ka, na cold ka, pero deep inside eh durog na durog ka na at pagod ka na. I just want to feel my Mom's love again. I just want to be the old Cassy, yung masaya. Yung walang katapusang kasiyahan. I-I just want to be happy. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko sa sarili ko. I can't live like this. Hindi pa ba ako sapat? Matalino naman ako, consistent honor student, I know how to play mostly every instruments and sports, I can cook, bake, clean, and be independent. Hindi pa ba sapat yun para sumaya ako? Hindi pa ba sapat yun para mahalin ulit nila ako? Kasi gagawin ko lahat para maramdaman ulit yung pagmamahal na yun eh.

Kasi walang anak na umaayaw sa isang pagmamahal ng Ina.

I just want to be Celeste right now. But I don't want her to be like me. A selfish, depressed, and a bitter person who just thinks about herself. Sana, sana bata nalang ako. Sana alam ni Mommy kung ano yung mga hinanakit ko ngayon. Sana alam niya kung gaano ako nasasaktan at gaano ako kapagod sa sarili ko. Kilala pa kaya ako ni Mommy? Kilala pa ba niya yung batang dinala niya sa sinapupunan niya nga siyam na buwan? Kilala pa ba niya yung batang pinalaki niya at minahal niya?

Kilala pa ba ako ni Mommy bilang anak niya?

Ngayon, nandito nanaman ako sa lugar kung saan ko ginagawa ang isang bagay na nag rerelieve ng pain. I'm in my bathroom, crying and shaking while holding the blade, my dear friend. It's been 5 months since I'm clean. At eto nanaman ako sinasaktan ang sarili. Hindi ko namalayan na nakagawa na ako ng 3 sugat malapit sa aking pulsuhan. Huminga ako ng malalim. At sinugatan ang pulsuhan ko. Napangiti ako ng mapait ng makita ko ang dugong lumalabas sa aking kamay.

AND YES, I RELAPSED. I FREAKING RELAPSED.

My vision became blurry, that I did not notice that the door of my bathroom is open and my room is not locked. Nanghihina na ako kaya bumagsak na ang katawan ko. I can't breathe. I'm just so tired of my life. So so tired.

This is Cassy. Depressed, Tired, and Heartbroken. 

And I'm ending this shit.

Make You Feel My LoveWhere stories live. Discover now