Chapter 4

2.5K 85 21
                                    


Irene's POV

Hindi maganda ang kutob ko. Feeling ko may mali, hindi ako mapakali. It's 10pm and I can't sleep. May bumabagabag saakin at feeling ko hindi ako makahinga. Greggy is in his office room here in our house and magisa lang ako dito sa kwarto. Gantong oras eh minsan natutulog na si Cassy kaya naisipan kong puntahan ito. Kumatok muna ako. Ilang beses na akong kumakatok ngunit hindi ito nagsasalita kaya naman napagisipan ko ng buksan ito. Pero siyempre ako muna ay nagpaalam.

"Anak, papasok si Mommy ha." at pumasok na

Nang nakapasok ako ay wala siya dito sa kama niya. Pinuntahan ko ang terrace niya, wala din siya. Kinakabahan na ako. Hindi. Sana hindi eto yung iniisip ko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa banyo niya. At nakita ko ang anak ko. 

Lifeless. Pale. 

She was on the floor, bathing in her own blood. Napasigaw ako sa nakita ko. Nanigas ako ngunit hindi ako pwede magpadalos dalos. Madami ng nawawalang dugo sa kanya. Nilapitan ko siya at kumuha ng towel. Umupo ako sa tabi niya, naramdaman kong medyo lumalamig na siya. Dahan dahan ko siyang binuhat papunta saakin at hiniga ang kanyang ulo sa aking dibdib. Inalalayan kong kinuha ang kanyang kamay at nilagay ang towel kung saan meron siyang sugat. Chineck ko rin ang pulse niya. Humihina na ang tibok ng puso niya.

"Cassy! Mahal ko, stay with me! Stay with Mommy!" sabi ko sa kanya. Umiiyak na ako. Hinalikan ko ang kanyang noo at niyakap ko siya Ang hirap ng ganitong sitwasyon.  

A MOTHER'S INSTINCT IS ALWAYS RIGHT

"GREGGY! LUIS! ALFONSO!" sigaw ko.

"HOOON! HOOOOON!" sigaw ko. Halos mamaos na ako kakatawag. Buti nalang ay agad pumunta si Greggy dito. 

"Hon what happ-" hindi ko na siya pinatapos pa.

"Hon yung anak ko. Dalhin na natin siya sa hospital. She's losing to much blood, her heartbeat is dropping. Please. Yung anak ko." Sabi ko sa kanya habang umiiyak. Hindi ko na talaga kaya. Agad agad niyang binuhat si Cassy at inalalayan ko ang ulo ng anak ko. Lumabas na kami ng kwarto at sabay na lumabas sa kanilang kwarto ang dalawa ko pang anak. 

"Ano yo- Ma! Anong nangyari? T-Teka kukunin ko yung sasakyan ng kotse." sabay sabi ni Alfonso. Si Luis naman ay inalalayan si Greggy pababa.

Lumaban ka anak. Hindi kakayanin ni Mommy kung mawawala ka.    

Halos paliparin na ni Alfonso ang kotse. Nasa Makati Med na kami at dali dali kaming pumunta sa Emergency Room. Buhat buhat ni Luis si Cassy dahil inaalalayan na ako ni Greggy nanghihina talaga kasi ako. Inassist agad nila kami at nilagay na nila ang anak ko sa bed binigyan na nila ito ng oxygen. 

"Hi I'm Dr. Bailey. What happened to the patient?"

"S-she relapsed. S-she she wounded her pulse a-again."

"How old is she?"

"She's 14." 

"Oh, ok ok. Page Dr. Robbins." she said to her nurse. 

Pinalabas muna kami ng Nurse. May pumasok pa na isang Doctor. Hindi ko na alam. Chineck na nila si Cassy at lumabas na ang isang doctor.

"Hi I'm Dr. Robbins I am a Pediatric Surgeon. We need to take her to surgery. She lost a lot of blood. But the problem is she is an AB Negative, her blood type is hard to find. We just finished our supply of that kind of blood type and still waiting for our supply. Does any of you have that kind of blood type?"

"M-Me. I'm her mother. I am AB negative." tumayo naman ako.

"Ok Ma'am. Karev, assist her. We'll be prepping the patient for surgery." at umalis na sila. Sumama naman ako sa sinabi niya at niready niya ako.

While I was donating blood, I'm praying. I hope she'll survive the surgery. Laban anak. Laban. Kumuha sila ng 2 units of blood saakin dahil madami talagang dugo ang nawala sa anak ko. Pagkatapos ko kumuha ng dugo ay hindi ako dumiretso kina Greggy. Pumunta muna ako sa Chapel ng ospital. Umupo ako, ay dun ko na nilabas lahat. 

"Lord, please let me make it up to her po muna. I can't lose her for the 2nd time Lord. Please. Nagmamakaawa po ako sainyo. Bata pa po siya. Hindi pa po ako handa. Hayaan niyo po muna siyang maramdaman ulit yung pagmamahal ko. Naging masama po akong Ina oo. Pero sana naman po hayaan niyo akong bumawi man lang sa anak ko. Lord please, wag niyo po muna siyang hayaang sumama diyan kay Daddy sa taas. Please. Lord." umiiyak kong dasal. 

I stayed here for a couple more minutes and bumalik na sa waiting area. Nabigla ako ng makita ko si Manang at Bonget. Dali dali ako pinuntahan ni Manang at niyakap. Ano ba naman itong luha ko walang katapusan.

"M-manang si Cassy."

"Shhhh. Hinihintay ka lang namin. Nasa recovery room na siya. Maya maya ililipat narin siya sa private room. Tahan na ha? May dala akong damit mo magpalit ka muna puro dugo yung  damit mo." at inalalayan nila ako hanggang makarating kami sa private room. Nagpalit na ako, pagkalabas na pagkalabas ko ay dahan dahan na nila nililipat si Cassy sa higaan niya. Nakikipag usap si Greggy sa mga doctor sa labas at lumapit ako sa anak ko.

"Mahal ko thank you for fighting. Babawi si Mommy ha? I'm sorry for hurting you. Hihintayin ka ni Mommy magising. Di ka niya iiwan. Dito lang ako ha? Mahal na mahal kita." I whispered.  I kissed her hand and her forehead.

Pagkagising mo anak, sayong sayo na si Mommy. Laban anak. Andito lang si Mommy.

Make You Feel My LoveWhere stories live. Discover now