Chapter 2 First Crush

7.8K 517 227
                                    

"Ano ba ang crush? Ikaw, sino ang una mong naging crush?"


Angie POV


"Buti naman hija at naisipan mong umuwi." Komento ni mama habang magkakaharap kaming kumakain sa mahaba nilang dining table.

Katapat ni mama si ninang Susan, si kuya naman si Lino... at ako... si Erich. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Panay ang pansin ko sa mga kilos ko kung tama ba o hindi. Ah ewan, ngayon lang naman ako nagkaganito. Yong tipong nahihiya ako sa kaharap baka may mapuna sa mga ikikilos ko.

"Opo, tita." Nakangiting sagot ni Erich.

Ang hinhin niyang magsalita. Pati ang mga galaw niya parang aral na aral. Pati pagsubo niya at pagnguya. Ang bagal niyang kumain. Napansin ko puro gulay ang laman ng plato niya. Hindi ba siya kumakain ng kanin? Kaya siguro ang sexy-sexy niya. Tapos ang puti-puti pa. Ang kinis ng balat.

Wala sa sariling napatingin ako sa braso ko. Napangiwi ako. Sunog ang balat dahil sa pakikipaglaro buong maghapon sa kalsada. Isama mo na rin na hindi ako naglo-lotion kaya ang dry ng balat ko.

"Tsaka mare, gusto ko na rin namang makasama ang dalaga ko. Aba! Ang tagal ng hindi namin siya nakakasama!" Dagdag ni ninang Susan.

"Oo nga 'no?" Sang-ayon ni mama.

Halos silang tatlo lang ang maririnig na nag-uusap. Busy si kuya at si Lino sa pagkain. Ang takaw ni Lino parang di nahihiya sa katabi. Ako... haist, abala din naman ako... sa pagsulyap-sulyap sa kaharap ko.

"Baka dito na nga rin ho ako maghahanap ng trabaho." Saad ni Erich.

"Mas mabuti pa nga 'yon hija, para makasama mo sina mare." Sabay sulyap kay ninang na segunda ni mama. "Ilang taon ka na ba ulit?"

"Twenty-three po." Magalang na sagot nito.

Wala na naman sa sariling nagbilang ako sa isip. Ten years ang agwat namin.

"Related naman yata sa Education ang natapos mo di ba?" Sabi ni mama na sinagot lang naman ng tango ni Erich. "Pwede ka sigurong mag-apply na guro dito sa atin."

"'Yon nga ang sinabi ko sa kanya, mare." Segunda ni ninang Susan. "Tutal kako nagtrabaho naman siya bilang Teaching Assistant sa isang sikat na secondary school doon." Proud na dagdag pa niya. "Tsaka sa London kasi mas advance ang edukasyon nila doon hindi gaya dito sa Pinas. Kung dito pahabaan ng taon sa pag-aaral, sa ibang bansa naman parang paiklian sila."

"Maaga pa lang po kasi sinasanay at hinahasa na po nila ang mga estudyante doon. At sa murang edad po, nahuhubog na po 'yong mga bata sa mga angkin nilang skills." Dagdag ni Erich.

Tahimik lang naman akong nakikinig sa usapan nila. Hindi ko nga rin maiwasang mapatingin sa bawat pagbuka ng labi ng aking kaharap. Ba't parang ang perpekto niya? Para siyang isang manika. Bagay na bagay sa kanya ang medyo may kulot niyang buhok. Bumagay din sa kanya ang kulay nito na parang light gold... ah ewan. Wala naman akong masyadong alam sa mga kulay ng buhok. Basta bagay sa kanya.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ng walang ano-ano'y siniko ako ni kuya. Awtomatikong sinamaan ko siya ng tingin.

"Aray ko naman, kuya!" Himutok ko.

"O, ano na naman ba 'yan?" Tanong ni mama. Nabaling na sa amin ang kanilang atensyon.

"Si kuya po kasi." May inis sa tinig na sagot ko.

"E paano ma, nakatulala na parang tanga. Kulang na lang tumulo ang laway niya." May kasamang pang-aasar na sabi ni kuya. Muli ko na naman siyang inirapan.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now