Chapter 44 Wake Up, Wake Up

3.8K 347 130
                                    

"Ang pasensya ay hindi lang parang nakaupo sa isang tabi at naghihintay, ito ay makini-kinita. Na kahit tumitingin sa tinik ay nangingibabaw niyang nakikita ang rosas. Nakatingin sa gabi ngunit umaasang may bukas. Ang mga nagmamahal ay matiyaga at alam na ang kalahating buwan ay nangangailangan ng oras upang maging ganap na buo."


Erich POV


"Alam mo ba? Ang daming nagpunta dito kanina para dalawin ka." Kausap ko kay Angie habang pinupunasan ko ang mga braso niya. "'Yong mga katrabaho mo. Si Chris nagpunta rin! Tsaka 'yong big boss mo. Ang sabi pa nga e dalian mo daw magpagaling dahil hinihintay ka ng mga projects mo." Patuloy ko habang nagtungo sa kabilang side para 'yong isang kamay naman niya ang mapunasan ko. "Nagpunta rin dito ang mga dating kaklase mo noong high school, mga kaibigan ninyo ni Lino. Magkakaroon daw kayo ng mini reunion sa paggising mo."

Nang matapos kong punasan ang kanyang mga kamay ay isinunod ko naman ang kanyang mga paa. Hindi na gaya ng dati na parang namumutla ang kulay ng balat niya, ngayon parang bumabalik na sa normal. Tinanggal na rin ang ECG monitor niya. Mga senyales na pabuti na ng pabuti ang kanyang kalagayan. Ang sabi nga ng doktor anytime soon ay pwede na siyang magising. Kaya naman natutuwa ako at araw-araw na umaasa na gumising na siya.

Haist, mag-iisang linggo na simula ng maaksidente siya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay. Tuyo na rin ang mga galos at sugat niya.

Patapos na ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si tita Elena. May bitbit siyang paperbag.

"Hi po, tita." Lumapit ako sa kanya at binati siya ng halik sa pisngi.

"O, halika. Kumain ka muna." Aya niya. "Si Lino nasa labas." Pagbibigay-alam niya.

Agad akong tumalima pagkatapos kong mailagay sa lababo ang mga ginamit ko. May sariling kusina itong private room ni Angie. Pero kadalasan panay takeout food naman ang kinakain namin.

"Samahan niyo na po ako." Aya ko sa kanya ng matulungan ko siyang maihain ang pagkaing dala niya sa ibabaw ng mesang kakasya sa apat na tao.

"Mabuti pa nga." Tugon niya at sumalo na rin.

Manaka-naka kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Sinabi niyang baka bukas, Sabado, ay babalik si Maxine dito para bisitahin si Angie saka ulit uuwi ng Manila sa Linggo ng hapon para makapasok sa trabaho kinaumagahan.

"Pinapapunta nga ako ng boss ni Angie sa opisina nila diyan malapit sa bayan para ibigay ang mga medical records niya para doon sa reimbursements ng kanyang mga nagagastos dito sa hospital." Nasabi niya.

"Kung gusto niyo po ako na lang ang pupunta, tita." Presenta ko. "Tutal tapos ko na naman pong punasan si Angie."

"Okay lang ba sayo?" Tanong niya.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Oo naman po."

Ito siguro 'yong isa sa mga idinulot ng pagkakaaksidente ni Angie, ang naging close kami ng mama niya. Parang bumalik lang 'yong samahan namin dati. Pati sila ni mama, parang walang nangyaring hindi maganda noon sa pagitan nila. Ngayon, close na close sila ulit. Wala naman kasing ibang magdadamayan kundi kami-kami lang.

Kaya ng matapos kaming kumain ay lumabas na ako ng kuwarto ni Ange. Si Lino muna ang humalili sa akin para may kasama si tita sa loob.

Dumaan muna ako ng bahay para makaligo at makapagpalit ng damit. Nang matapos ako ay tumungo na ako sa opisina nina Angie.

"Kumusta na si Angie?" Tanong ni Arch. Belmudes ng nasa opisina na niya ako.

Nakaupo ako sa silyang nasa harap ng kanyang mesa. "Medyo bumuti na daw po sabi ng doktor."

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now