Chapter 43 Nunca Me Dejes, Mi Amor

3.8K 332 103
                                    

"Ang pag-ibig ay hindi laging perpekto. Ito ay hindi isang fairy tale o isang storybook. At hindi laging madali. Ang pag-ibig ay lalampasan ang balakid, haharapin ang mga hamon, ipaglalaban upang magkasama, maghahawak at hindi bibitaw. Ito ay isang maikling salita, madaling baybayin, mahirap tukuyin at imposibleng mabuhay ng wala. Ang pag-ibig ay tinatrabaho, ngunit higit sa lahat, napagtatanto ng pag-ibig na ang bawat oras, bawat minuto at bawat segundo ay sulit dahil ginawa ninyo ito ng magkasama."


Erich POV


I was sitting next to the glass wall looking at the still-unconscious person lying inside the ICU. Naawa na marahil sa akin ang nurse na palaging nagche-check sa kalagayan ni Angie kaya siguro binigyan niya ako ng  mauupuan. Hindi pa raw kasi pwedeng pumasok ang sinuman sa loob maliban sa kanila at sa dalawang doktor na tumitingin sa kanya.

It's been what? I've been awake for thirty hours, I haven't slept or even taken a nap since Angie's last seizure. Dalawang beses siyang nag-seizure. Ang paliwanag sa amin ng doktor kanina, nangyayari daw ang pagse-seizure kapag may nag-interrupt sa normal na koneksyon ng nerve cells sa utak. Sa case ni Angie, nagkaroon ng blood cloth sa utak niya kaya 'yong activity sa brain niya ay nagkakaroon ng abnormal connections. Hindi naman daw ito matatawag na epilepsy dahil may rason naman kung bakit nag-seizure si Angie.

Ang sabi pa nito kanina ay kapag daw naulit na nagkaroon ng seizure si Angie, kailangan siya ulit dalhin sa operating room. Pero sa awa ng Diyos, hindi na ito nasundan pa. At sana nga ay magtuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang kalagayan.

"Ate." Mahinang sambit ni Lino ng lumapit sa akin.

Lumabas siya pansamantala para bumili ng makakain. Ang sabi ko naman sa kanya hindi ako nagugutom. Para ngang wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi takot at matinding pag-aalala.

Inabutan niya ako ng styro cup na may logo ng isang sikat na coffee shop. Wala sa sariling tinanggap ko ito mula sa kanya.

"Ano 'to?" Tanong ko ng maramdamang mainit ito.

"Kape." Sagot niya.

"Lino, alam mo namang hindi ako nagkakape." Sabi ko.

"Kailangan mo 'yan, ate." Katwiran niya. "Lalo na't hindi ka pa natutulog." 

Malungkot akong napatingin sa hawak. Bigla kong naalala noong inaaya ako ni Angie na magkape kahit na alam naman niyang hindi ako nagkakape. Gusto lang daw kasi niya akong makasama. Wala sa sariling napangiti ako ng malungkot. Kung alam ko lang na mangyayari ito, lahat ng hinihiling niya noon ibinigay ko. Pero sino nga bang may alam sa kung anong mangyayari kinabukasan?

Hindi ko na naman mapigilang umiyak. Napaluhod si Lino sa harapan ko. Idinantay niya ang mga palad sa aking hita.

"Ate, kailangan mong maging matatag. Kailangan mo ding magpahinga." Malumanay niyang sabi. "Kailangan ka ni Angie, pero papaano mo siya madadamayan kung ikaw naman ang magkakasakit?"

Napakagat ako sa ibabang labi. Tama si Lino. Kailangan ako ni Angie. Napatingin akong muli sa kanya. Silently telling her to wake up. Magising ka lang, gagawin ko ang lahat para sumaya ka... tayo. Sabi ko sa isipan.

"Ako muna ang bahala dito, umuwi ka na muna kaya." Suhestiyon niya.

Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko kasabay ng muling pagtingin ko kay Angie.

"Uwi lang ako sandali, love." Kausap ko sa kanya. "Pero babalik din ako agad."

Marahang pinisil ni Lino ang braso ko tsaka ngumiti ng tipid na hindi naman umabot sa kanyang mga mata. Labag man sa loob na iwan si Angie ay napilitan akong umuwi muna.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now