Chapter 37 Gets Mo Rin Ba?

4K 362 225
                                    

"Ang tanging bagay na hindi sumasapat ay pag-ibig, at ang tanging bagay na hindi natin ibinibigay ng sapat ay pagmamahal."


Erich POV


"Angie." Tawag ko sa kanya. "Mag-merienda ka muna."

Inilapag ko sa ibabaw ng garden table ang tray na naglalaman ng tinimpla kong iced tea tsaka cinnamon bread. Abala siyang nagpupunas ng kanyang sasakyan sa may driveway. Kaka-check ko lang kay mama kung okay lang ba siya sa kanyang kuwarto.

Nagpumilit si mama kaninang tanghali sa doktor niya ng binisita siya nito na kung pwede na siyang umuwi tutal maayos naman na daw siya. Pakiramdam daw niya mas lalo siyang hindi gagaling kapag nasa hospital. Pumayag naman ang doktor pero pinaalalahanan siya nitong regular na uminom ng kanyang maintenance at hangga't maaari ay umiwas munang ma-stress. Kaya naman kaninang alas tres ng hapon ay nakauwi na kami pagkatapos naming ma-settle lahat ng bills sa hospital.

Ibinaba muna niya sandali ang hawak na pamunas at naghugas ng kamay sa may faucet dito rin sa may garden bago tahimik na naupo sa isa sa mga upuan sa harap ng pabilog na garden table. May isang bakanteng upuan kaming pagitan. Kaninang tanghali pa siya tahimik. At alam ko kung bakit.

Walang kibong kinuha niya ang basong sinalinan ko ng juice at uminom. Hindi rin siya tumitingin sa akin. Tahimik lang naman akong nakikiramdam.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Are you mad?" Hindi na ako nakatiis.

Hindi siya kumikibo. Tahimik lang siyang nakatingin sa ibang direksyon. Nainis ako sa inaasta niya.

"Angie," I tried not to sound too harsh. "... hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay 'yong gusto mo ang masusunod." Wala akong nakuhang response mula sa kanya. "Pinepressure mo 'ko. And I don't like it. Iniipit mo 'ko." Patuloy ko. "Kaya nga mas pinili kong iwan ang buhay ko sa London dahil gusto kong makasama ang pamilya ko dito."

Again, wala pa rin siyang reaksyon. Para akong nakikipag-usap sa pader.

"That thing that you want needs two people willing to take part for it to happen." Pagpapaintindi ko. "I'm not saying, I don't want to move in with you, but -" I trailed off. Sinadya ko ng hindi ituloy. "Hihintayin ba natin na pareho tayong masakal sa relasyon na 'to?"

Nakakainis 'yong pagiging tahimik niya.

"Gets mo ba?" Patuloy ko.

Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang basong halos napangalahati lang niya. Napansin ko ang paggalaw ng ugat sa kanyang leeg.

"Tapos ka na ba?" Malamig niyang tanong kasabay ng pagbaling niya ng tingin sa akin.

Hindi ako nakakibo ng mabasa ang sakit sa kanyang mga mata. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at tumayo na siya mula sa kinauupuan at dire-diretsong tinungo ang sasakyan. Maging ang pagmamaneobra niya nito ay halatang may inis.

Kasabay ng pagsandal ko sa kinauupuan ay ang pagpikit ko ng mariin. Hindi ko talaga siya maintindihan.

Maghahapunan na pero hindi pa rin bumabalik si Angie. Ayoko 'yong ganito kami. Nakaka-stress. Alam ko naman na parte ng isang relasyon ang hindi pagkakaintindihan, pero ang patagalin ito at hayaang mangibabaw ang galit at pride, I think it will never work.

Sinabi ko kay Lino na mauna na silang kumain ni mama, pupuntahan ko lang si Angie. Aalis siya mamaya para bumalik ng Manila, ayoko naman na umalis siya ng hindi kami nagkakaintindihan.

Ipinarada ko ang kotse sa likod ng pickup truck niya. Naiwang nakabukas ang gate at ang frontdoor nila pero wala siya sa loob ng bahay. Tinatawag ko siya pero walang sumasagot. Nagtungo ako sa kanilang kusina, nakita kong bukas ang pinto papunta sa likod ng kanilang bahay kaya nagtungo ako doon.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now