Chapter 27 Dito Ka Lang

5K 435 224
                                    

"Kapag totoong mahal mo ang isang tao, kahit gaano kahirap makuha ang kanyang oo ay kakayanin mo."


Angie POV


Napabuntong-hininga ako ng malalim habang nakatitig sa kisame. Kanina pa ako gising pero parang ayoko pang bumangon. Bumabalik-balik kasi sa utak ko 'yong mga nangyari kagabi.

Naputol lang ang pagtanaw ko sa mga nangyari nang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Saglit ko lang itong sinulyapan tsaka inabot para tignan kung sino ang tumatawag. Si Maxine.

"O?" Bigkas ko.

"Wala man lang good morning?" Maang niyang tugon. "Di mo ba ako nami-miss?"

"Sabihin mo na kung anong sasabihin mo!" Ganti ko.

"Ang sungit naman! Ang aga-aga e!" For sure nakasimangot ito.

"Ibababa ko na." Banta ko.

"Hay naku! Isusumbong kita kay tita!" Ganting banta rin niya.

"Ano nga?" Usisa ko.

"Kukumustahin ka lang naman e!" May himig pagtatampong sagot niya.

Marahas akong napabuntong-hininga. "Okay lang ako. O tapos na. Nasagot na kita -"

"So tayo na?" Mabilis niyang biro.

"E kung ipatapon kaya kita sa Mars ng di na kita nakikita?"

"Heto naman di na mabiro. Parang wala tayong pinagsamahan niyan ha?" Mukhang nagtatampo na nga.

Nagulat ako ng bigla niyang ibinaba ang tawag. "Aba't -" Hindi makapaniwalang napatingin ako sa screen ng cellphone ko.

To be honest, Maxine was my first... sexually. Hindi naman 'yon sinadya. We're both drunk and out of control. Pero matagal na 'yon. Nasa college pa lang ako. At hindi na naulit. We agreed not to bring it out again. Tsaka akala ko talaga noon si Erich 'yong kaniig ko.

Sabay ng muling pagbuntong-hininga ko ay bumangon na ako sa kama. Marami pa kaming gagawing trabaho. Mahigit isang linggo na ako dito sa Matalinhaga pero pakiramdam ko wala pa akong naa-accomplish.

Pagkaraan ng halos mahigit isang oras ay nasa kalsada na ako papunta sa site. 'Yong motor ni Lino ang ginamit ko. Nakasukbit sa likod ko ang tracing tube. Sa akin muna niya ito ipinagamit dahil mai-stuck lang naman daw ito sa bahay nila. Buti nga at naibalik ito sa kanya.

Gagong lalaking 'yon! Kung hindi lang siguro ako nakapagpigil kahapon baka nasuntok ko na ito. Ito pa ang may ganang magalit sa kaibigan ko?! Buti na lang at kahit papaano ay naisipan pa noon ni Lino na sa kanya ipangalan 'yong motor no'ng binili niya ito. Walang laban 'yong lalaki kundi ibalik ito kay Lino.

Ibang usapan na kasi kapag kaibigan ko ang aawayin o lolokohin. Makakatikim talaga sila sa akin.

Ang kagandahan ngayon sa modernong teknolohiya ng mga construction machines ay agad na natatapos ang trabaho. Hindi na kailangan pa ng napakaraming tao para matapos ang isang proyekto. Habang sinisimulan na ang kalsada at arc sa gate, ang iba naman ay nagsisimula nang mag-construct ng sample model ng bahay na maipapatayo. Para mas mabilis ang trabaho hindi 'yong one at a time, kung kaya naman pagsabayin ang dalawa o tatlong phase bakit hindi gawin.

Naupo ako sa hagdan ng nagsisilbi naming opisina ng matapos kaming kumain. Tinanggal ko ang suot na hard hat at inilagay ito sa tabi ko. Tumabi sa akin si Ryan, isa sa mga kasama naming Arkitekto na nagtungo dito sa Matalinhaga. Ang alam ko nagre-rent sila ng apartment sa malapit kasama ang iba pa. Ayoko naman silang ayain sa bahay 'no? Tsaka pwede naman nila iyong ipa-reimburse sa office, kasama na ng iba pa nilang kailangan.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now