Chapter 23 ABKD Mahal Kita

5.1K 416 271
                                    

"Sa totoo lang hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong sabihin mo, sana ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit."


Angie POV


Pagkahatid ko kay Lino sa kanyang botique ay nagpaalam muna ako sa kanyang magtutungo sa grocery store para bumili ng food supplies at iba pang kakailanganin ko sa bahay. Ngunit natigil ako ng madaanan ang isang kilalang bookstore. Naalala ko 'yong sinabi kanina ni Lino tungkol sa ate niya kaya walang pagdadalawang-isip na pumasok ako sa loob.

Ang naalala kong sabi niya, tatlo 'yong published books niya. Ang problema, hindi ko tinanong kung anong mga titles at kung anong penname na ginamit ni Erich. Kaya naman sa dami ng nandoon natagalan akong hanapin ang mga ito.

Isang partikular na title ng libro ang pumukaw sa atensyon ko. Ang title nito ay ABKD Mahal Kita. Tinignan ko kung sino ang author. Erielle Munich.

Kinuha ko ito mula sa bookshelf. May nakalagay na photo niya sa likod kasama ng maikling biography nito. Napaisip ako, siguro dahil isa siyang guro kaya gano'n ang title.

Napangiti ako. I can't believe it. Proud na proud ako para sa kanya. 'Yong feeling na nakaka-overwhelm.

Hindi ko mahanap 'yong iba pa baka wala ng stock. Nagtungo ako sa counter para bayaran na ito.

Pagkatapos kong makabili ng stock ng pagkain at iba pang gagamitin sa bahay ay umuwi na ako. Inilagay ko muna sa loob ng ref ang iba tsaka ko na aayusin ang iba ko pang stock. Tsaka na rin ang ibang gagawin dito sa bahay. Magbabasa muna ako.

Nagtimpla ako ng maiinom bago nagtungo sa itaas. Binasa ko ang Acknowledgement page nito. Nagpapasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanya para magawa at mai-published niya ito. Sa kanyang pamilya, sa kanyang editor... at sa isang taong hindi niya pinangalanan bilang kanyang inspirasyon para maisulat ang kwento. Inisip ko na baka si Caleb ito dahil gumamit siya ng past tense. Parang someone na espesyal sa kanya noon.

"How can you tell when someone truly loves you? And how do you know if that person is really for you?" Panimula ng kwento. Nagpatuloy ako sa pagbabasa... Kwento ito ng gurong nagngangalang Filomena.

I met him when I was a grade school teacher and he's one of my students in Grade Four. I felt nothing special for him at that time. I was merely his teacher and I didn't think or even imagine that he would play a big role in my life someday.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa na-hooked na ako. May mga pagkakataong para akong tangang tumatawa dahil sa mga nai-imagine kong eksena sa kwento at may mga pagkakataon ding naiiyak ako. 

Pero ang totoo, habang binabasa ko ito nagfla-flashback sa akin ang mga nangyari sa aming dalawa ni Erich. 'Yong unang pagkakataong nakita ko siya, no'ng kadarating lang niya mula sa London. 'Yong mga pagkakataong ang bonding namin ay mga make-up at kung ano-ano pang girly stuff.

Parang bumalik lahat-lahat. Noong una kong maramdaman na espesyal siya sa akin. Noong unang beses na hinalikan ko siya, mga away-bati moment naming dalawa. Noong prom... 'yong unang pagkakataong tinugon niya ang halik ko... hanggang sa...

Ibinaba ko ang binabasang libro. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Pilit kong kinakalma ang damdamin. Para kasing kahapon lang nangyari ang lahat... parang ang sariwa pa rin ng sakit. Ang kaibhan lang namin ni Filomena, may tugon na pagmamahal din ang sa kanya, habang ako, naka-hang. Ni minsan hindi niya sinabi sa akin na gusto rin niya ako o di kaya may nararamdaman din siya para sa akin.

It's a one-sided love then. Ako lang 'yong naiwang nasasaktan. I don't know about her. Siguro nasaktan siya sa mga nangyari for a different reason pero hindi kagaya ko na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit ng kahapon.

ABKD Mahal KitaWhere stories live. Discover now